Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan
Available in 16 languages
«Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi: Mayroon dalawang magkapatid sa panahon ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang isa ay dumarating sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang ang ikalawa ay naghahanapbuhay,isinumbong ng naghahanap-buhay ang kapatid niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at Sinabi [ng Propeta]: ((Marahil ikaw ay nabibiyayaan dahil sa kanya))»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Isinasalaysay ni Anas-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Mayroon dalawang magkapatid sa panahon ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang isa sa kanila ay dumarating sa pinagtitipunan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagpapanatili siya rito upang makapagkamit ng kaalaman niya at makakuha ng mga salita at gawa niya.At ang ikalawa,ay naghahanap-buhay ng industriya at naghahanap ng makikitaan,Isinumbong ng naghahanap-buhay ang kapatid niya dahil sa pag-iwan niya ng paghahanap-buhay,sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya na may [halong] pagtawa sa kanya: Marahil ,ang pagganap mo sa gawain niya,ang siyang dahilan kaya nagiging magaan ang biyaya mo,sapagkat si Allah ay tumutulong sa kanyang alipin,hanggat ang alipin ay tumutulong sa kapatid nito.

Source
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy
Download image

Saved at original quality