TL
All hadiths
The complete card collection, filter by chapter
Ang Marangal na Qur'ān at ang mga Agham Nito
26
Ang Ḥadīth at ang mga Agham Nito
3
Ang Pinaniniwalaan
135
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito
288
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan
288
Ang Pag-aanyaya at ang Pagpapanagot
15
Ang Talambuhay at ang Kasaysayan
38
655 hadiths
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang babaing kabilang sa mga Tagaadya, na pinangalanan ng Anak ni `Abbās ngunit nakalimutan ko ang pangalan nito: "Ano ang pumigil sa iyo na magsagawa ng ḥajj kasama namin?" Nagsabi ito: "Hindi kami nagkaroon kundi ng dalawang kamelyong pang-igib," ngunit nagsagawa ng ḥajj ang ama ng anak niya at ang anak niya sakay ng isang kamelyong pang-igib, "at nag-iwan siya sa amin ng isang kamelyong pang-igib na nag-iigib kami sakay nito." Nagsabi siya: "Kaya kapag dumating ang Ramaḍān, magsagawa ka ng `umrah sapagkat tunay na ang isang `umrah dito ay nakatutumbas sa isang ḥajj."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Mula kay Fadhalah Bin Ubaid at Salman Al-farisiy at Uqbah Bin A'meer Al-juhaniy -Malugod ang Allah sa kanila- Marfuw'an: ((Ang lahat ng patay ay seselyuhan siya sa kanyang gawain, maliban sa isang makikidigma sa landas ng Allah, dahil lalago o aagos sa kanya ang kanyang gawain hanggang sa Araw ng Pagkabuhay, at maliligtas siya sa tukso o pagsubok sa loob ng puntod))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj para kay Allāh saka hindi humalay at hindi nagpakasuwail, uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "O Sugo ni Allāh, nagtuturing kami na ang pakikibaka ay pinakamainam na gawain. Kaya makikibaka po ba kami?" Nagsabi siya: "Hindi; subalit ang pinakamainam na pakikibaka ay isang ḥajj na tinanggap."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagtipon si Allāh sa mga una at mga huli sa Araw ng Pagbangon, may iaangat para sa bawat traidor na isang watawat saka sasabihin: Ito ay katraiduran ni Polano na anak ni Polano."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magbabalita sa inyo ng pinakamalaki sa malalaking kasalanan?" nang makatatlo. Nagsabi sila: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh at ang kasutilan sa mga magulang." Umupo siya. Siya kanina ay nakasandal, saka nagsabi siya: "Pansinin, ang pagsasabi ng kabulaanan." Hindi siya tumigil na nag-uulit-ulit niyon hanggang sa nagsabi kami na kung sana siya ay natahimik na.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay sumasaway sa inyo na manumpa kayo sa mga magulang ninyo." Nagsabi si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Kaya sumpa man kay Allāh, hindi ako sumumpa sa mga ito, magmula ng narinig ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumaway laban sa mga ito, habang bumabanggit ni habang nag-uulat."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {May isang babaing natagpuan sa isa sa mga pagsalakay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na napatay. Nagmasama ang Sugo ni Allāh sa pagpatay ng mga babae at mga paslit.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عن عبد الله بن أبي أوفى رضي الله عنه أَنَّ رسول الله صلى الله عليه وسلم فِي بَعْض أَيَّامه التي لَقِي فيها العدو انتظر، حتى إذا مَالَتِ الشمس قام فِيهم، فقال: «أَيُّها الناس، لا تَتَمَنَّوْا لِقَاء الْعَدُوِّ، وَاسْأَلوا الله الْعافية فَإِذا لَقِيتموهم فَاصْبِرُوا، وَاعلموا أَنَّ الْجَنَّة تحت ظِلال السُّيوف ثُمَّ قَال النَّبِي صلى الله عليه وسلم: اللهمَّ مُنزِلَ الْكتاب، وَمُجْرِيَ السَّحاب، وَهازم الأَحْزاب: اهْزِمهم، وَانصُرنا علَيهم».
متفق عليه
Ayon kay `Aishah-malugod si Allah sa kanya-(( Na ang mga Quraysh ay nagdalamhati sila sa kapakanan ng Makhzumiyyah na nagnakaw;Nagsabi sila: Sino ang makikipag-usap rito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-? sinabi nila: Sino pa ang may kakayahang makipag-usap sa kanya maliban kay Usamah bin Zaid,na iniibig ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Kinausap siya ni Usamah,Nagsabi siya:Namamagitan kaba sa Alituntunin mula sa mga Alituntunin ni Allah?Pagkatapos ay tumindig siya,at nagbigay ng Sermon Nagsabi siya:Katotohanan na kaya nilipol ang mga( Taong) nauna sa inyo,Sapagkat sila,Kapag nagnakaw sa kanila ang mga may karangyaan,ay iniiwan ito,Ngunit kapag ang nagnakaw sa kanila ay ang mahihina,ipinapatupad nila ang Alituntunin,At Sumpa kay Allah,Kahit si Fatimah bint Muhammad ang nagnakaw,tunay na puputulin ko ang kamay niya)) At sa isang pananalita:(( Ang isang babae ay naghihiram ng gamit at kinuha niya ito,Kaya`t ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na putulin ang kamay niya))
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya ay sumaway laban sa pamamanata at nagsabi: "Tunay na ito ay hindi naghahatid ng isang kabutihan. Ipinangkukuha lamang ito mula sa maramot."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)': "Ang una sa huhusgahan sa mga tao sa Araw ng Pagbangon ay kaugnay sa [pagpapadanak ng] mga dugo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Pinuputol ang kamay sa [pagnanakaw ng] ikaapat na bahagi ng Dinar pataas."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pagbabantay ng hangganan ng isang araw sa landas ni Allāh ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito. Ang puwestong singnipis ng isang latigo ng isa sa inyo mula sa Paraiso ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito. Ang rawḥah na lalakbayin ng tao sa landas ni Allāh o ang ghadwah ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa lalaki: nakikipaglaban dala ng katapangan, nakikipaglaban dala ng pagkamakalahi, at nakikipaglaban dala ng pakitang-tao. Ang alin doon ay sa landas ni Allāh? Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakipaglaban upang ang salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas, siya ay nasa landas ni Allāh."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdurraḥmān bin Abī Laylā: {Sila minsan ay nasa piling ni Ḥudhayfah saka humiling siya ng tubig. Kaya may nagbigay naman sa kanya na isang Mago; ngunit noong inilagay nito ang tasa sa kamay niya, itinapon niya iyon at nagsabi siya: "Kung hindi dahil na ako ay sumaway sa kanya nang hindi isang ulit ni dalawang ulit." Para bang siya ay nagsasabi: "hindi sana ako gumawa nito; subalit ako ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Huwag kayong magsuot ng manipis na sutla ni makapal na sutla. Huwag kayong uminom sa isang lalagyang yari sa ginto at pilak at huwag kayong kumain sa mga platong yari sa mga ito sapagkat tunay na ang mga ito ay para sa kanila sa Mundo at para sa atin sa Kabilang-buhay."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Umar (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsuot ng sutla sa Mundo ay hindi magsusuot nito sa Kabilang-buhay."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: (( Walang sugat na nasugatan para sa landas ni Allah,maliban sa ito ay darating sa Araw ng Pagkabuhay,na ang sugat nito ay dadanak: at ang kulay nito ay kulay ng dugo,at halimuyak nito ay halimuyak ng pabango))
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nag-alaga ng isang aso maliban sa isang aso ng pangangaso o [pagbabantay ng] hayop, may nababawas [na gantimpala] mula sa gawa niya na dalawang qīrāt sa bawat araw." Nagsabi si Sālim: "Si Abū Hurayrah noon ay nagsasabi: O isang asong ng taniman. Siya ay may-ari ng isang taniman."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عن ثابِت بْن الضَّحَاكِ رضي الله عنه أنه بايع رسول الله صلى الله عليه وسلم تحت الشجرة، وأن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «من حلف على يمين بملة غير الإسلام، كاذبا مُتَعَمِّدًا فهو كما قال، ومن قتل نفسه بشيء عُذِّبَ به يوم القيامة، وليس على رجل نَذْرٌ فيما لا يملك» وَفِي رِوَايَة: «ولَعْنُ المؤمنِ كَقَتْلِهِ». وفي رواية: «من ادَّعَى دَعْوَى كَاذِبَةً لِيَتَكَثَّرَ بها لم يَزِدْهُ اللهُ -عزَّ وجل- إلا قِلَّةً».
متفق عليه
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagdala laban sa atin ng sandata ay hindi kabilang sa atin."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abdullah bin Awfa`-malugod si Allah sa kanilang dalawa-((Nakipag-darambong kami kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang pitong beses na pagdarambong,kumakain kami ng balang))
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abē Wāqed Al-Hārith bin 'Awf -malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay naka-upo sa loob ng Masjid,dumating sa kanya ang tatlong kalalakihan,lumapit ang dalawa sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at umalis ang isa.Tumayo ang dalawa sa Halaqah ng Sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- Ang isa kanila ay nakakita ng bakante sa Halaqah,kaya umupo siya rito,at ang ikalawa ay umupo sa likod nila,at ikatlo ay tumalikod at umalis.At nang matapos ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:(( Gusto ba ninyong sabihin ko sa inyo ang tungkol sa tatlong kalalakihan?:Ang isa sa kanila ay umupo [upang makinig sa pag-aalaala] sa Allah,Kaya't ipinagkaloob ni Allah sa kanya [ Ang kainaman at gantimpala ng pag-upong ito], At ang iba naman ay nahiya, Kaya't Nahiya si Allah sa kanya,habang ang iba naman ay tumalikod, Kaya't tinalikuran din siya ni Allah))
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya.-sinabi niya:Ang Propeta ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay ginabi.sinasabi niyang:(( Aming natapos ang araw at kasama nito,ang lahat ng pamamahala at Kapurihan ay sa Allah,Walang [diyos na] may karapatan upang sambahin maliban sa Allah ng nag-iisa.Walang Katambal.))Nagsabi ang tagasalaysay: Nakikita kong sinabi niya rito : ((Sa Kanya ang pagmamay-ari ng Pamamahala at Kapurihan,Siya ang may kakayahan sa lahat ng bagay,O Panginoon,! Hinihiling ko sa Iyo ang mga kabutihan ng araw na ito at ang mga kabutihang susundan nito,at ako ay nagpapakupkop mula sa kasamaang nilalaman ng araw na ito,at mga kasamaang susundan nito,O Panginoon! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa katamaran at pagka-uliyanin,O Panginoon! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga kaparusahan ng Apoy sa Impiyerno,at mga kaparusahan ng libingan)) Kapag siya ay sinapit ng umaga, Sinasabi niya rin ito ((Narating namin ang panibagong araw,at ang lahat ng ito ay napapaloob sa Kapamahalaan ni Allah))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Page 1 of 28
Next page