TL
All hadiths
The complete card collection, filter by chapter
Ang Marangal na Qur'ān at ang mga Agham Nito
26
Ang Ḥadīth at ang mga Agham Nito
3
Ang Pinaniniwalaan
135
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito
288
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan
288
Ang Pag-aanyaya at ang Pagpapanagot
15
Ang Talambuhay at ang Kasaysayan
38
655 hadiths
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag narinig ninyo ang panawagan [ng ṣalāh], sabihin ninyo ang tulad ng sinasabi ng mu'adhdhin."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Al-Mughīrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay saka bumaba ako upang magtanggal ng khuff niya ngunit nagsabi siya: "Hayaan mo iyan sapagkat tunay na ako ay nagpasok niyan [sa paa] habang dalisay pa." Kaya nagpahid siya rito.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Al-Miqdām bin Ma`dīkarib (malugod si Allāh sa kanya), ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kapag umibig ang tao sa kapatid niya, magpabatid siya rito na siya ay umiibig dito."
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, at Imām Aḥmad
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay napagagalak sa pagkakanan sa pagsasandalyas niya, pagsusuklay niya, at pagdadalisay niya, at sa pumapatungkol sa kanya sa kabuuan nito.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa- (( Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok sa Meccah mula sa Taas [ng Meccah] sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa itaas kung saan ay matatagpuan sa Batha [malawak na lupain sa Meccah],at lumabas siya sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa ibaba.))
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Umar (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay dumating sa Batong Itim saka humalik dito saka nagsabi: "Tunay na ako ay nakaaalam na ikaw ay isang batong hindi nakapipinsala at hindi nagpapakinabang. Kung sakaling hindi ako nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na humahalik sa iyo, hindi ako hahalik sa iyo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-Na ang isang lalaki ay nasa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Dumaan sa kanya ang isang lalaki,Nagsabi siya : O Sugo ni Allah,Tunay na iniibig ko [ang lalaking] iyan,Sinabi sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ipinag-bigay alam moba ito sa kanya?)) Nagsabi siya: Hindi,Nagsabi siya [Ang Propeta]: ((Ipagbigay-alam mo ito sa kanya)),Nakasalubong niya ito at sinabi niya [sa kanya]:Tunay na iniibig kita para kay Allah,Nagsabi siya: Iniibig din kita dahil sa pag-ibig mo sa akin para sa Kanya.
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magpantay kayo ng mga linya ninyo sapagkat tunay na ang pagpapantay ng linya ay kabilang sa pagkalubos ng pagdarasal."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abe Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((Kabilang sa pagdadakila kay Allah-Pagkataas-taas Niya:Ay ang paggalang sa matandang muslim,at sa nakapag-saulo ng Qur-an na hindi nagmamalabis dito,at [hindi] naglikas sa [pagbabasa] nito,at paggalang sa isang pinunong makatarungan))
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag pumasok ang lalaki sa bahay nito saka bumanggit siya kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya at sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Walang pagmamagdamagan para sa inyo at walang hapunan para sa inyo.' Kapag naman pumasok siya saka hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Nakamit ninyo ang pagmamagdamagan.' Kapag hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ito: 'Nakamit ninyo ang pagmamagdamagan at ang hapunan.'"}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang malalaking kasalanan ay ang pagtatambal kay Allāh, ang kasutilan sa mga magulang, ang pagpatay ng buhay, at ang panunumpang mapagpalublob."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang Mundo ay matamis na luntian at tunay na si Allāh ay nagsasakahalili sa inyo rito, kaya tumitingin Siya kung papaano kayong gumagawa. Kaya mangilag kayong magkasala sa Mundo at mangilag kayo sa mga babae sapagkat tunay na ang unang tukso sa mga anak ni Israel ay sa mga babae."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Imraan bin Husain-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu- (( Ang pagiging mahiyain ay walang magiging bunga maliban sa kabutihan)) At sa ibang salaysay :(( Ang pagiging mahiyain ay mabuti sa lahat ng bagay)) o Nagsabi siya: ((Ang pagiging mahiyain ,lahat nito ay mabuti))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon: "Allāhumma, laka aslamtu, wa-bika āmantu, wa-`alayka tawakkaltu, wa-ilayka anabtu, wa-bika khāṣamtu. Allāhumma, innī a`ūdhu bi-`izzatika, lā ilāha illā anta, an tuḍillanī. Anta -lḥayyu -lladhī lā yamūtu wa-ljinnu wa-l'insu yamūtūn." (O Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako sumampalataya, sa Iyo ako nanalig, sa Iyo ako nagsisising nagbalik, at dahil sa Iyo ako nakipagtalo. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa kapangyarihan Mo – walang Diyos kundi Ikaw – na magpaligaw Ka sa akin. Ikaw ang Buhay na hindi namamatay samantalang ang jinn at ang tao ay namamatay.)"}
Napagkasunduan sa katumpakan nito. Ito ay pagkakasambit ni Imām Muslim. Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa pinaiksing paraan
Si Ibnu Umar malugod si Allah sa kanilang dalawa ay nagsasabi sa lalaki kapag inibig nitong maglakbay; Lumapit ka sa akin upang ipagtagubilin kita tulad nang nang ginagawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kapag nagtagubilin siya amin;Sinasabi niya;(( Ipinagtatagubilin ko kay Allah ( sa pangangalaga niya) ang Relihiyon mo,at ang Katapatan mo,at mga Huling Gawain mo)).At ayon kay Abdullah bin Yazed Al-Khatamie-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi: Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag inibig niyang magtagubilin sa mga sandatahang-hukbo`y,sinasabi niya;((Ipinagtatagubilin ko kay Allah ( sa pangangalaga niya) ang Relihiyon ninyo,at ang Katapatan ninyo,at mga Huling Gawain ninyo))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) {Hindi ako nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kailanman nagpalabis-labis na tumatawa hanggang sa makakita ako mula sa kanya ng tilao niya. Siya noon ay ngumingiti lamang.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag tumitindig siya [sa pagdarasal] sa gabi, ay nagsisipilyo ng bibig niya sa pamamagitan ng siwāk.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Zaid bin `Asim Al-Mazini, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:((Naireklamo sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang lalaki,na inaakala niya na may nararamdaman siyang bagay sa pagdarasal,Ang sabi niya:Huwag siyang umalis hanggat hindi siya nakarinig ng tunog o nakatagpo ng amoy))
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag mamuhi ang isang lalaking mananampalataya sa isang babaing mananampalataya. Kung nasuklam siya rito sa isang kaasalan, malulugod naman siya rito sa iba."} O nagsabi siya: "sa iba pa rito."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Si Ibnu Mas-ūd-malugod si Allah sa kanya - ay laging nagpapaalala sa amin sa bawat araw ng Huwebes,Nagsabi sa kanya ang isang lalaki:O Abu Abdurahman, Tunay na naiibigan ko na magpaalala ka sa amin araw-araw,Nagsabi siya: Katotohanan na ang pumipigil sa akin dito,ay kinamumunghian ko na maging mainipin kayo,Kung-kaya't ako ay nagtatakda sa inyo sa pagbibigay ng paalala,Tulad ng ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -na nagtatakda sa amin ( ng pagpapaalala) bilang pag-iwas pagka-yamut namin.
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa:Hadith na Marfu: ((Hindi kabilang sa amin ang sinumang hindi naaawa sa mga maliliit sa amin,at [hindi niya] alam ang karangalan ng matatanda sa amin))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
عن يزيد بن حيان قال: انطلقت أنا وحُصين بن سَبْرَة وعمرو بن مسلم إلى زيد بن أرقم رضي الله عنه فلما جلسنا إليه قال له حصين: لقد لقيتَ يا زيد خيرًا كثيرًا، رأيتَ رسول الله صلى الله عليه وسلم وسمعتَ حديثه، وغزوتَ معه، وصليتَ خلفه: لقد لقيت يا زيد خيرًا كثيرًا، حدثنا يا زيد ما سمعت من رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: يا ابن أخي، والله لقد كَبِرَتْ سني، وقَدُمَ عهدي، ونسيتُ بعض الذي كنت أَعِي من رسول الله صلى الله عليه وسلم فما حدثتكم فاقبلوا، وما لا فلا تُكَلِّفُونِيهِ. ثم قال: قام رسول الله صلى الله عليه وسلم يومًا فينا خطيبًا بماء يُدعى خُمًّا بين مكة والمدينة، فحمد الله، وأثنى عليه، ووعظ وذكَّر، ثم قال: «أما بعد، ألا أيها الناس، فإنما أنا بشر يُوشِكُ أن يأتي رسول ربي فأُجِيبَ، وأنا تاركٌ فيكم ثَقَلَيْنِ: أولهما كتاب الله، فيه الهدى والنور، فخذوا بكتاب الله، واستمسكوا به»، فحَثَّ على كتاب الله، ورغَّبَ فيه، ثم قال: «وأهل بيتي أُذَكِّرُكُمُ اللهَ في أهل بيتي، أُذَكِّرُكُمُ اللهَ في أهل بيتي» فقال له حصين: ومن أهل بيته يا زيد، أليس نساؤه من أهل بيته؟ قال: نساؤه من أهل بيته، ولكن أهل بيته من حُرِمَ الصدقةَ بعده، قال: ومن هم؟ قال: هم آل علي، وآل عقيل، وآل جعفر، وآل عباس. قال: كل هؤلاء حُرِمَ الصدقةَ؟ قال: نعم. وفي رواية: «ألا وإني تاركٌ فيكم ثَقَلَيْنِ: أحدهما كتاب الله وهو حبل الله، من اتبعه كان على الهدى، ومن تركه كان على ضلالة».
رواه مسلم
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi ba natatakot ang isa sa inyo (o hindi ba matatakot ang isa sa inyo), kapag nag-angat siya ng ulo niya bago ng imām, na gumawa si Allāh sa ulo niya na maging isang ulo ng isang asno o gumawa si Allāh sa anyo niya na maging isang anyo ng isang asno?"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaking nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Huling Sandali sapagkat nagsabi ito: "Kailan po ang Huling Sandali?" Nagsabi siya: "At ano ang inihanda mo para rito?" Nagsabi ito: "Walang anuman maliban na ako ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsabi naman siya: "Ikaw ay kasama ng sinumang inibig mo."} Nagsabi si Anas: {Kaya hindi kami natuwa sa anuman gaya ng pagkatuwa namin sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ikaw ay kasama ng sinumang inibig mo."} Nagsabi si Anas: {Ako ay umiibig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kina Abū Bakr at `Umar at umaasa ako na ako ay maging kasama sa kanila dahil sa pag-ibig ko sa kanila, kahit hindi ako nakagawa ng tulad sa mga gawa nila.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Previous page
Page 2 of 28
Next page