Hadith for the World
Topic

Ang Pag-aanyaya at ang Pagpapanagot

15 hadiths

15 hadiths

Si Ibnu Mas-ūd-malugod si Allah sa kanya - ay laging nagpapaalala sa amin sa bawat araw ng Huwebes,Nagsabi sa kanya ang isang lalaki:O Abu Abdurahman, Tunay na naiibigan ko na magpaalala ka sa amin araw-araw,Nagsabi siya: Katotohanan na ang pumipigil sa akin dito,ay kinamumunghian ko na maging mainipin kayo,Kung-kaya't ako ay nagtatakda sa inyo sa pagbibigay ng paalala,Tulad ng ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -na nagtatakda sa amin ( ng pagpapaalala) bilang pag-iwas pagka-yamut namin.Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Kausapin ninyo ang mga tao ng nalalaman nilalaman nila. Ninanais ba ninyong pasinungalingan si Allāh at ang Sugo Niya."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagkasakit ang tao o naglakbay siya, magtatala para sa kanya ng tulad ng dating ginagawa niya habang nananatili at malusog."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magpaabot kayo tungkol sa akin kahit pa isang talata [ng Qur'ān]. Magsanaysay kayo tungkol sa mga anak ni Israel at walang pagkaasiwa. Ang sinumang nagsinungaling laban sa akin nang nananadya, lumuklok siya sa upuan niya mula sa Impiyerno."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa gabi at bumigat ang pagbigkas ng Qur'ān sa dila niya kaya hindi niya nalaman ang sinasabi niya, matulog muna siya."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Jābir bin Abdullāh, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kapag ang isang Muslim ay nagtanim ng isang tanim, ang anumang kinain mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, ang anumang ninakaw mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, at walang magbabawas rito na isa man malibang magiging isang kawanggawa ukol sa kanya." Sa isang sanaysay: "Hindi nagtatanim ang isang Muslim ng isang pananim ni hindi nagsasaka ng isang sakahin at kumain mula rito ang isang tao o isang hayop o anuman malibang ito ay magiging isang kawanggawa ukol sa kanya." Isinaysay nilang dalawang ito nang magkasama mula sa sanaysay ni Anas, malugod si Allāh sa kanya.Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ako noon ay naglalakad kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang.nakasuot siya ng isang balabal na Najrāno na makapal ang gilid. Naabutan siya ng isang arabeng disyerto. Hinatak nito siya sa balabal niya nang matinding hatak kaya nakita ko ang gilid ng balikat ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at bumakat nga doon ang gilid ng balabal dahil sa tindi ng hatak nito. Pagkatapos ay nagsabi ito: O Muḥammad, mag-utos ka para sa akin na bigyan ako mula sa yaman ni Allah na nasa iyo. Kaya lumingon siya rito at tumawa. Pagkatapos ay nag-utos siya na bigyan ito."Napagkaisahan ang katumpakan
Mula kay Uday Bin Umairah Al-kandiy -Kalugdan nawa siya ni Allah- marfuw'an: ((Sinuman ang ginamit namin sa inyo sa gawain, at itinago namin ang karayom maging mataas pa sa kanya ito ay maging mapahamak na dadalhin niya sa Araw ng Pagkabuhay)). At tumayo ang isang lalaking itim mula sa mga ansar, para baga akong nakatingin sa kanya , at kanyang sinabi: O Sugo ni Allah, paalisin mona ako sa gawaing inutos mo sa akin, sabi Niya: ((ano nangyari sa iyo?)) sabi niya, narinig kita nagsabi ng ganito ganyan, sabi Niya: ((at sasabihin ko siya ngayon: sinuman ang nagamit siya sa gawain dapat niyang ibigay maging kaunti man siya at marami siya, at anuman ang naibigay mula sa kanya ay kukunin niya, at anuman ang ipinagbawal sa kanya ay lalayuan niya)).Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Tungkulin ng taong Muslim ang pagdinig at ang pagtalima [sa pinuno] sa anumang naibigan niya at kinasuklaman niya malibang nag-utos sa kanya ng isang pagsuway sapagkat kapag nag-utos sa kanya ng isang pagsuway ay walang pagdinig at walang pagtalima."Napagkaisahan ang katumpakan
Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya. Ang sinumang tumalima sa akin ay tumalima nga kay Allah, at ang sinumang sumuway sa akin ay sumuway nga kay Allah. Ang sinumang tatalima sa pinuno ay tumalima nga sa akin, at ang sinumang susuway sa pinuno ay sumuway nga sa akin.Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abe Al-Aswad,nagsabi siya:Dumating ako sa Madinah,umupo ako kay Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-at dumaan sa kanila ang ililibing,at pinuri nila ang may-ari nito ng kabutihan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Pagkatapos ay dumaan ang iba pa,at pinuri nila ang may-ari nito ng kabutihan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Pagkatapos ay dumaan ang ikatlo,at pinuri nila ang may-ari nito ng kasamaan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Nagsabi si Abu Al-Aswad,Nagsabi ako:At ano ang nararapat,O pinuno ng mga mananampalataya? Nagsabi siya:Sinabi ko ang tulad ng sinabi ng propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kahit sinong muslim na magsasaksi sa kanya ang apat sa kabutihan,papapasukin Siya ni Allah sa Paraiso.)) Nagsabi kami: At kung tatlo? Nagsabi siya:(( at ang tatlo)),Nagsabi kami: At kung dalawa?Nagsabi siya:(( at ang dalawa)),Pagkatapos ay hindi na namin siya tinanong,kapag isa.Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nadaanan ng isang asno na tinatakan sa mukha nito kaya nagsabi siya: "Sumpain ni Allāh ang nagtatak diyan." Sa isang sanaysay ayon kay Imām Muslim din: "Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagsapak sa mukha at ang pagtatak sa mukha."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Samantalang ang isang lalaki ay naglalakad sa isang daan, tumindi sa kanya ang uhaw. Nakatagpo siya ng isang balon kaya bumaba siya roon at uminom. Pagkatapos ay lumabas siya at walang anu-ano ay may isang asong humihingal na kumakain ng basang lupa dala ng pagkauhaw. Nagsabi ang lalaki: Talaga ngang umabot ang asong ito sa uhaw na tulad ng umabot nga sa akin. Bumaba siya sa balon at pinuno ang sapatos niya ng tubig. Pagkatapos ay binitbit ito ng bibig niya hanggang sa nakaakyat siya. Pinainom niya ang aso. Kinilala ni Allah ang kabutihan niya at pinatawad siya. Nagsabi sila: O Sugo ni Allah, tunay na may gantimpala para sa amin dahil sa mga hayop? Nagsabi siya: "Sa bawat buhay na nilalang ay may gantimpala." Sa isang sanaysay: "Kinilala ni Allah ang kabutihan niya, pinatawad siya, at papasukin siya sa Paraiso." Sa isa pang sanaysay: "Samantalang may isang asong paikut-ikot sa isang balon na halos patayin na ito ng uhaw, walang anu-ano ay nakita ito ng isang patutot na kabilang sa mga patutot ng mga anak ni Israel. Hinubad niya ang sapatos niya at ipinansalok ito para roon. Pinainom niya iyon kaya pinatawad siya dahil doon."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nakakita kabilang sa inyo ng isang nakasasama ay ibahin niya ito sa pamamagitan ng kamay niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng dila niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng puso niya – at iyon ay ang pinakamahinang pananampalataya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عَنْ أَبي هُرَيْرَةَ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ حِينَ أُنْزِلَ عَلَيْهِ {وَأَنْذِرْ عَشِيرَتَكَ الْأَقْرَبِينَ} [الشعراء: 214]: «يَا مَعْشَرَ قُرَيْشٍ، اشْتَرُوا أَنْفُسَكُمْ مِنَ اللهِ، لَا أُغْنِي عَنْكُمْ مِنَ اللهِ شَيْئًا، يَا بَنِي عَبْدِ الْمُطَّلِبِ، لَا أُغْنِي عَنْكُمْ مِنَ اللهِ شَيْئًا، يَا عَبَّاسَ بْنَ عَبْدِ الْمُطَّلِبِ، لَا أُغْنِي عَنْكَ مِنَ اللهِ شَيْئًا، يَا صَفِيَّةُ عَمَّةَ رَسُولِ اللهِ، لَا أُغْنِي عَنْكِ مِنَ اللهِ شَيْئًا، يَا فَاطِمَةُ بِنْتَ رَسُولِ اللهِ، سَلِينِي بِمَا شِئْتِ لَا أُغْنِي عَنْكِ مِنَ اللهِ شَيْئًا».متفق عليه