Hadith for the World
Ang Pag-aanyaya at ang Pagpapanagot

Ang Pulitikang Batay sa Sharī`ah

4 hadiths

4 hadiths

Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ako noon ay naglalakad kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang.nakasuot siya ng isang balabal na Najrāno na makapal ang gilid. Naabutan siya ng isang arabeng disyerto. Hinatak nito siya sa balabal niya nang matinding hatak kaya nakita ko ang gilid ng balikat ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at bumakat nga doon ang gilid ng balabal dahil sa tindi ng hatak nito. Pagkatapos ay nagsabi ito: O Muḥammad, mag-utos ka para sa akin na bigyan ako mula sa yaman ni Allah na nasa iyo. Kaya lumingon siya rito at tumawa. Pagkatapos ay nag-utos siya na bigyan ito."Napagkaisahan ang katumpakan
Mula kay Uday Bin Umairah Al-kandiy -Kalugdan nawa siya ni Allah- marfuw'an: ((Sinuman ang ginamit namin sa inyo sa gawain, at itinago namin ang karayom maging mataas pa sa kanya ito ay maging mapahamak na dadalhin niya sa Araw ng Pagkabuhay)). At tumayo ang isang lalaking itim mula sa mga ansar, para baga akong nakatingin sa kanya , at kanyang sinabi: O Sugo ni Allah, paalisin mona ako sa gawaing inutos mo sa akin, sabi Niya: ((ano nangyari sa iyo?)) sabi niya, narinig kita nagsabi ng ganito ganyan, sabi Niya: ((at sasabihin ko siya ngayon: sinuman ang nagamit siya sa gawain dapat niyang ibigay maging kaunti man siya at marami siya, at anuman ang naibigay mula sa kanya ay kukunin niya, at anuman ang ipinagbawal sa kanya ay lalayuan niya)).Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Tungkulin ng taong Muslim ang pagdinig at ang pagtalima [sa pinuno] sa anumang naibigan niya at kinasuklaman niya malibang nag-utos sa kanya ng isang pagsuway sapagkat kapag nag-utos sa kanya ng isang pagsuway ay walang pagdinig at walang pagtalima."Napagkaisahan ang katumpakan
Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya. Ang sinumang tumalima sa akin ay tumalima nga kay Allah, at ang sinumang sumuway sa akin ay sumuway nga kay Allah. Ang sinumang tatalima sa pinuno ay tumalima nga sa akin, at ang sinumang susuway sa pinuno ay sumuway nga sa akin.Napagkaisahan ang katumpakan