Hadith for the World
Topic

Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

288 hadiths

288 hadiths

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang babaing kabilang sa mga Tagaadya, na pinangalanan ng Anak ni `Abbās ngunit nakalimutan ko ang pangalan nito: "Ano ang pumigil sa iyo na magsagawa ng ḥajj kasama namin?" Nagsabi ito: "Hindi kami nagkaroon kundi ng dalawang kamelyong pang-igib," ngunit nagsagawa ng ḥajj ang ama ng anak niya at ang anak niya sakay ng isang kamelyong pang-igib, "at nag-iwan siya sa amin ng isang kamelyong pang-igib na nag-iigib kami sakay nito." Nagsabi siya: "Kaya kapag dumating ang Ramaḍān, magsagawa ka ng `umrah sapagkat tunay na ang isang `umrah dito ay nakatutumbas sa isang ḥajj."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Mula kay Fadhalah Bin Ubaid at Salman Al-farisiy at Uqbah Bin A'meer Al-juhaniy -Malugod ang Allah sa kanila- Marfuw'an: ((Ang lahat ng patay ay seselyuhan siya sa kanyang gawain, maliban sa isang makikidigma sa landas ng Allah, dahil lalago o aagos sa kanya ang kanyang gawain hanggang sa Araw ng Pagkabuhay, at maliligtas siya sa tukso o pagsubok sa loob ng puntod))Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj para kay Allāh saka hindi humalay at hindi nagpakasuwail, uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "O Sugo ni Allāh, nagtuturing kami na ang pakikibaka ay pinakamainam na gawain. Kaya makikibaka po ba kami?" Nagsabi siya: "Hindi; subalit ang pinakamainam na pakikibaka ay isang ḥajj na tinanggap."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagtipon si Allāh sa mga una at mga huli sa Araw ng Pagbangon, may iaangat para sa bawat traidor na isang watawat saka sasabihin: Ito ay katraiduran ni Polano na anak ni Polano."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {May isang babaing natagpuan sa isa sa mga pagsalakay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na napatay. Nagmasama ang Sugo ni Allāh sa pagpatay ng mga babae at mga paslit.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عن عبد الله بن أبي أوفى رضي الله عنه أَنَّ رسول الله صلى الله عليه وسلم فِي بَعْض أَيَّامه التي لَقِي فيها العدو انتظر، حتى إذا مَالَتِ الشمس قام فِيهم، فقال: «أَيُّها الناس، لا تَتَمَنَّوْا لِقَاء الْعَدُوِّ، وَاسْأَلوا الله الْعافية فَإِذا لَقِيتموهم فَاصْبِرُوا، وَاعلموا أَنَّ الْجَنَّة تحت ظِلال السُّيوف ثُمَّ قَال النَّبِي صلى الله عليه وسلم: اللهمَّ مُنزِلَ الْكتاب، وَمُجْرِيَ السَّحاب، وَهازم الأَحْزاب: اهْزِمهم، وَانصُرنا علَيهم».متفق عليه
Ayon kay `Aishah-malugod si Allah sa kanya-(( Na ang mga Quraysh ay nagdalamhati sila sa kapakanan ng Makhzumiyyah na nagnakaw;Nagsabi sila: Sino ang makikipag-usap rito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-? sinabi nila: Sino pa ang may kakayahang makipag-usap sa kanya maliban kay Usamah bin Zaid,na iniibig ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Kinausap siya ni Usamah,Nagsabi siya:Namamagitan kaba sa Alituntunin mula sa mga Alituntunin ni Allah?Pagkatapos ay tumindig siya,at nagbigay ng Sermon Nagsabi siya:Katotohanan na kaya nilipol ang mga( Taong) nauna sa inyo,Sapagkat sila,Kapag nagnakaw sa kanila ang mga may karangyaan,ay iniiwan ito,Ngunit kapag ang nagnakaw sa kanila ay ang mahihina,ipinapatupad nila ang Alituntunin,At Sumpa kay Allah,Kahit si Fatimah bint Muhammad ang nagnakaw,tunay na puputulin ko ang kamay niya)) At sa isang pananalita:(( Ang isang babae ay naghihiram ng gamit at kinuha niya ito,Kaya`t ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na putulin ang kamay niya))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya ay sumaway laban sa pamamanata at nagsabi: "Tunay na ito ay hindi naghahatid ng isang kabutihan. Ipinangkukuha lamang ito mula sa maramot."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)': "Ang una sa huhusgahan sa mga tao sa Araw ng Pagbangon ay kaugnay sa [pagpapadanak ng] mga dugo."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Pinuputol ang kamay sa [pagnanakaw ng] ikaapat na bahagi ng Dinar pataas."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pagbabantay ng hangganan ng isang araw sa landas ni Allāh ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito. Ang puwestong singnipis ng isang latigo ng isa sa inyo mula sa Paraiso ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito. Ang rawḥah na lalakbayin ng tao sa landas ni Allāh o ang ghadwah ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa lalaki: nakikipaglaban dala ng katapangan, nakikipaglaban dala ng pagkamakalahi, at nakikipaglaban dala ng pakitang-tao. Ang alin doon ay sa landas ni Allāh? Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakipaglaban upang ang salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas, siya ay nasa landas ni Allāh."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: (( Walang sugat na nasugatan para sa landas ni Allah,maliban sa ito ay darating sa Araw ng Pagkabuhay,na ang sugat nito ay dadanak: at ang kulay nito ay kulay ng dugo,at halimuyak nito ay halimuyak ng pabango))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nag-alaga ng isang aso maliban sa isang aso ng pangangaso o [pagbabantay ng] hayop, may nababawas [na gantimpala] mula sa gawa niya na dalawang qīrāt sa bawat araw." Nagsabi si Sālim: "Si Abū Hurayrah noon ay nagsasabi: O isang asong ng taniman. Siya ay may-ari ng isang taniman."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عن ثابِت بْن الضَّحَاكِ رضي الله عنه أنه بايع رسول الله صلى الله عليه وسلم تحت الشجرة، وأن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «من حلف على يمين بملة غير الإسلام، كاذبا مُتَعَمِّدًا فهو كما قال، ومن قتل نفسه بشيء عُذِّبَ به يوم القيامة، وليس على رجل نَذْرٌ فيما لا يملك» وَفِي رِوَايَة: «ولَعْنُ المؤمنِ كَقَتْلِهِ». وفي رواية: «من ادَّعَى دَعْوَى كَاذِبَةً لِيَتَكَثَّرَ بها لم يَزِدْهُ اللهُ -عزَّ وجل- إلا قِلَّةً».متفق عليه
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagdala laban sa atin ng sandata ay hindi kabilang sa atin."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abdullah bin Awfa`-malugod si Allah sa kanilang dalawa-((Nakipag-darambong kami kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang pitong beses na pagdarambong,kumakain kami ng balang))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag narinig ninyo ang panawagan [ng ṣalāh], sabihin ninyo ang tulad ng sinasabi ng mu'adhdhin."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Al-Mughīrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay saka bumaba ako upang magtanggal ng khuff niya ngunit nagsabi siya: "Hayaan mo iyan sapagkat tunay na ako ay nagpasok niyan [sa paa] habang dalisay pa." Kaya nagpahid siya rito.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa- (( Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok sa Meccah mula sa Taas [ng Meccah] sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa itaas kung saan ay matatagpuan sa Batha [malawak na lupain sa Meccah],at lumabas siya sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa ibaba.))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Umar (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay dumating sa Batong Itim saka humalik dito saka nagsabi: "Tunay na ako ay nakaaalam na ikaw ay isang batong hindi nakapipinsala at hindi nagpapakinabang. Kung sakaling hindi ako nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na humahalik sa iyo, hindi ako hahalik sa iyo."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magpantay kayo ng mga linya ninyo sapagkat tunay na ang pagpapantay ng linya ay kabilang sa pagkalubos ng pagdarasal."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang Mundo ay matamis na luntian at tunay na si Allāh ay nagsasakahalili sa inyo rito, kaya tumitingin Siya kung papaano kayong gumagawa. Kaya mangilag kayong magkasala sa Mundo at mangilag kayo sa mga babae sapagkat tunay na ang unang tukso sa mga anak ni Israel ay sa mga babae."Nagsalaysay nito si Imām Muslim