TL
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito
Ang Fiqh ng Mag-anak
24 hadiths
Ang Pag-aasawa
5
Ang mga Gugulin
2
Ang Kasuutan at ang Gayak
3
Ang Lipunang Muslim
4
Ang mga Kahatulan Para sa mga Babae
10
Ang mga Kahatulan Para sa mga Sanggol
1
24 hadiths
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang Mundo ay matamis na luntian at tunay na si Allāh ay nagsasakahalili sa inyo rito, kaya tumitingin Siya kung papaano kayong gumagawa. Kaya mangilag kayong magkasala sa Mundo at mangilag kayo sa mga babae sapagkat tunay na ang unang tukso sa mga anak ni Israel ay sa mga babae."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag mamuhi ang isang lalaking mananampalataya sa isang babaing mananampalataya. Kung nasuklam siya rito sa isang kaasalan, malulugod naman siya rito sa iba."} O nagsabi siya: "sa iba pa rito."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Na siya ay nagsabi kay `Aṭā' bin Abī Rabāḥ: "Magpapakita ba ako sa iyo ng isang babaing kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso?" Nagsabi ako: "Oo naman." Nagsabi siya: "Ang maitim na babaing ito ay dumating sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsabi ito: "Tunay na ako ay sinasaniban [ng jinn] at tunay na ako ay napabubuyangyang, kaya manalangin ka kay Allāh para sa akin." Nagsabi siya: "Kung loloobin mo ay magtitiis ka at ukol sa iyo ang Paraiso. Kung loloobin mo ay mananalangin ako kay Allāh na magpagaling Siya sa iyo." Nagsabi ito: "Magtitiis ako." Nagsabi pa ito: "Saka tunay na ako ay napabubuyangyang, kaya manalangin ka kay Allāh na hindi ako mapabuyangyang." Kaya dumalangin siya para rito.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((Tunay na ang may pinakamasamang kalagayan sa mga tao para kay Allah sa Araw ng Pagkabuhay ay ang lalaking nakipagtalik sa kanyang asawa at nakipagtalik din siya sa kanya,pagkatapos ay ikakalat nito ang lihim niya))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abe Shurayh Khuwaylid bin `Amr bin Al-Khuza-ie-malugod si Allah sa kanya-At Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi:((O Allah! Ako ay nangangamba sa karapatan ng dalawang mahina: Ang batang ulila,at ang babae))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay hindi ang nakikitumbas, bagkus ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay ang kapag pinutol ang ugnayang pangkaanak sa kanya ay nakikipag-ugnayan [pa rin] siya roon."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
عن عبد الله بن عمر رضي الله عنهما عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «المؤمن الذي يخالط الناس، ويصبر على أذاهم خير من الذي لا يخالط الناس ولا يصبر على أذاهم».
رواه الترمذي وابن ماجه وأحمد
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakalubos sa mga mananampalataya sa pananampalataya ay ang pinakamaganda sa kanila sa kaasalan. ِAng pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa inyo sa mga kababaihan nila."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang Mundo ay natatamasa at ang pinakamabuti sa natatamasa sa Mundo ay ang babaing maayos."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nagsabi si Allāh: Gumugol ka, O anak ni Adan, gugugol Ako sa iyo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kaingat kayo sa pagpasok sa kinaroroonan ng mga babae." Kaya may nagsabing isang lalaking kabilang sa Anṣār: "O Sugo ni Allāh, kaya nagsaalang-alang ka po ba sa lalaking kapatid ng asawa?" Nagsabi siya: "Ang lalaking kapatid ng asawa ay ang kamatayan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Al-Aswad bin Yazīd na nagsabi: {Nagtanong ako kay `Ā'ishah kung ano ang ginagawa noon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa bahay niya. Nagsabi ito: "Siya noon ay nasa paglilingkod sa mag-anak niya," tumutukoy siya sa pagsisilbi sa mag-anak niya, "saka kapag sumapit ang pagdarasal, lumalabas siya papunta sa pagdarasal."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kapag gumugol ang lalaki sa mag-anak niya habang umaasa siya ng gantimpala dito [ni Allāh], ito para sa kanya ay isang kawanggawa."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
At ayon kay Abe Saed Al-Khudrie ,malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: Dumating ang isang babae sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pngalagaan-Nagsabi siya:O Sugo ni Allah,pumunta ang mga kalalakihan dahil sa mga salita mo,Pumili ka sa amin mula sa sarili mo ng isang araw na pupunta kmi sa iyo rito at ituturo mo sa amin ang mula sa itinuro sa iyo ni Allah,Nagsabi siya:((Magtipon-tipon kayo sa araw na ganito at ganito)),At nagtipon-tipon sila ,at dumating sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at tinuruan niya sila mula sa itinuro sa kanya ni Allah,pagkatapos ay nagsabi siya:((Wala mula sa inyo na isang babae na nakapag-alay ng tatlo mula sa kanyang anak maliban sa silay magiging panangga sa impyerno)) Nagsabi ang isang babae: At kung dalawa? Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(( At ang dalawa)).
Napagkaisahan ang katumpakan
ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang lalaking nagsusuot ng kasuutan ng babae at ang babaing nagsusuot ng kasuutan ng lalaki.}
Nagsalaysay nito sina Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, Imām Ibnu Mājah ayon sa kahulugan niyon, at Imām Aḥmad
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Nakakita ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang batang lalaki na inahit ang bahagi ng ulo nito at hinayaan ang iba rito. Ipinagbawal niya sa kanila iyon at sinabi: Ahitin ninyo ito: ang lahat nito, o hayaan ninyo ito: ang lahat nito."
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Lumabas ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa [pagdiriwang ng] Pag-aalay (Aḍḥā) o Pagtigil-ayuno (Fitr) papunta sa dasalan, saka naparaan siya sa mga babae saka nagsabi: "O katipunan ng mga babae, magkawanggawa kayo sapagkat tunay na ako ay pinakitaang kayo ay higit na marami sa mga maninirahan sa Impiyerno." Kaya nagsabi sila: "At dahil sa ano po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Nagpaparami kayo ng pagsumpa at nagkakaila kayo sa utang na loob sa mga asawa. Hindi ako nakakita mula sa mga nagkukulang sa pag-iisip at pagrerelihiyon na higit na mapag-alis ng isip ng lalaking naghuhunos-dili kaysa sa isa sa inyo." Nagsabi sila: "At ano po ang kakulangan sa pagrerelihiyon namin at pag-iisip namin, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Hindi ba ang pagsaksi ng babae ay tulad ng kalahati ng pagsaksi ng lalaki?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay bahagi ng kakulangan ng pag-iisip niya. Hindi ba kapag nagregla siya, hindi siya nagdarasal at hindi siya nag-aayuno?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay bahagi ng kakulangan ng pagrerelihiyon niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عن عقبة بن عامر قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «خير النكاح أيْسَرُه»، وقال النبي صلى الله عليه وسلم لرجل: أتَرضى أن أُزَوِّجَكَ فُلانة «قال: نعم، قال لها: أترْضَين أن أُزوِّجَكِ فلانا» قالت: نعم، فزوجها رسول الله صلى الله عليه وسلم ، ولم يَفرض صداقًا، فدخل بها، فلم يُعطها شيئًا، فلما حضرتْهُ الوفاة قال: إن رسول الله صلى الله عليه وسلم زوجني فلانة، ولم أُعطها شيئًا، وقد أعطيتها سَهمي من خَيبر، فكان له سهم بخيبر فأخذتْهُ فباعتْهُ فبلغ مائة ألف.
رواه أبو داود
عن ابن عباس رضي الله عنهما أنه سمع النبي صلى الله عليه وسلم يقول: «لا يَخْلُوَنَّ رجلٌ بامرأةٍ، ولا تسافِرَنَّ امرأةٌ إلا ومعها محرمٌ»، فقام رجل فقال: يا رسول الله، اكتتبت في غزوة كذا وكذا، وخرجت امرأتي حاجة، قال: «اذهب فحج مع امرأتك».
متفق عليه
عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: «تُنْكَحُ المَرْأَةُ لِأَرْبَعٍ: لِمَالِهَا وَلِحَسَبِهَا وَجَمَالِهَا وَلِدِينِهَا، فَاظْفَرْ بِذَاتِ الدِّينِ، تَرِبَتْ يَدَاكَ».
متفق عليه
عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عَبَّاسٍ أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ رَأَى خَاتَمًا مِنْ ذَهَبٍ فِي يَدِ رَجُلٍ، فَنَزَعَهُ فَطَرَحَهُ، وَقَالَ: «يَعْمِدُ أَحَدُكُمْ إِلَى جَمْرَةٍ مِنْ نَارٍ، فَيَجْعَلُهَا فِي يَدِهِ»، فَقِيلَ لِلرَّجُلِ بَعْدَ مَا ذَهَبَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: خُذْ خَاتِمَكَ انْتَفِعْ بِهِ، قَالَ: لَا وَاللهِ، لَا آخُذُهُ أَبَدًا وَقَدْ طَرَحَهُ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ.
رواه مسلم
عَنْ جَابِرِ بْنِ عَبْدِ اللَّهِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «إِذَا كَانَ جُنْحُ اللَّيْلِ أَوْ أَمْسَيْتُمْ فَكُفُّوا صِبْيَانَكُمْ، فَإِنَّ الشَّيَاطِينَ تَنْتَشِرُ حِينَئِذٍ، فَإِذَا ذَهَبَ سَاعَةٌ مِنَ اللَّيْلِ فَحُلُّوهُمْ، فَأَغْلِقُوا الأَبْوَابَ وَاذْكُرُوا اسْمَ اللَّهِ، فَإِنَّ الشَّيْطَانَ لاَ يَفْتَحُ بَابًا مُغْلَقًا، وَأَوْكُوا قِرَبَكُمْ وَاذْكُرُوا اسْمَ اللَّهِ، وَخَمِّرُوا آنِيَتَكُمْ وَاذْكُرُوا اسْمَ اللَّهِ، وَلَوْ أَنْ تَعْرُضُوا عَلَيْهَا شَيْئًا، وَأَطْفِئُوا مَصَابِيحَكُمْ».
متفق عليه
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nalulugod para sa inyo sa tatlo at nasusuklam para sa inyo sa tatlo sapagkat nalulugod Siya para sa inyo na sumamba kayo sa Kanya at hindi kayo magtambal sa Kanya at na mangunyapit kayo sa lubid ni Allāh nang lahatan at hindi kayo magkahati-hati at nasusuklam para sa inyo sa sabi-sabi, dami ng pagtatanong, at pagsasayang ng ari-arian."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عَنْ أَبِي مُوسَى عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: «إِنَّ المُؤْمِنَ لِلْمُؤْمِنِ كَالْبُنْيَانِ يَشُدُّ بَعْضُهُ بَعْضًا» وَشَبَّكَ أَصَابِعَهُ.
متفق عليه