Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Lumabas ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa [pagdiriwang ng] Pag-aalay (Aḍḥā) o Pagtigil-ayuno (Fitr) papunta sa dasalan, saka naparaan siya sa mga babae saka nagsabi:
Available in 51 languages
«Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Lumabas ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa [pagdiriwang ng] Pag-aalay (Aḍḥā) o Pagtigil-ayuno (Fitr) papunta sa dasalan, saka naparaan siya sa mga babae saka nagsabi: "O katipunan ng mga babae, magkawanggawa kayo sapagkat tunay na ako ay pinakitaang kayo ay higit na marami sa mga maninirahan sa Impiyerno." Kaya nagsabi sila: "At dahil sa ano po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Nagpaparami kayo ng pagsumpa at nagkakaila kayo sa utang na loob sa mga asawa. Hindi ako nakakita mula sa mga nagkukulang sa pag-iisip at pagrerelihiyon na higit na mapag-alis ng isip ng lalaking naghuhunos-dili kaysa sa isa sa inyo." Nagsabi sila: "At ano po ang kakulangan sa pagrerelihiyon namin at pag-iisip namin, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Hindi ba ang pagsaksi ng babae ay tulad ng kalahati ng pagsaksi ng lalaki?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay bahagi ng kakulangan ng pag-iisip niya. Hindi ba kapag nagregla siya, hindi siya nagdarasal at hindi siya nag-aayuno?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay bahagi ng kakulangan ng pagrerelihiyon niya."}»Meaning translation ·
Saved at original quality








