Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Pinaniniwalaan

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa):

Available in 39 languages
«Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Na siya ay nagsabi kay `Aṭā' bin Abī Rabāḥ: "Magpapakita ba ako sa iyo ng isang babaing kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso?" Nagsabi ako: "Oo naman." Nagsabi siya: "Ang maitim na babaing ito ay dumating sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsabi ito: "Tunay na ako ay sinasaniban [ng jinn] at tunay na ako ay napabubuyangyang, kaya manalangin ka kay Allāh para sa akin." Nagsabi siya: "Kung loloobin mo ay magtitiis ka at ukol sa iyo ang Paraiso. Kung loloobin mo ay mananalangin ako kay Allāh na magpagaling Siya sa iyo." Nagsabi ito: "Magtitiis ako." Nagsabi pa ito: "Saka tunay na ako ay napabubuyangyang, kaya manalangin ka kay Allāh na hindi ako mapabuyangyang." Kaya dumalangin siya para rito.}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagsabi ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) kay `Aṭā' bin Abī Rabāḥ: "Magpapakita ba ako sa iyo ng isang babaing kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso?" Nagsabi si `Aṭā': "Oo naman." Nagsabi siya: "Ang Etyopiyang maitim na babaing ito ay dumating sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsabi ito: "Tunay na ako ay sinasaniban [ng jinn] at tunay na ako ay napabubuyangyang at may nalalantad ng kaunti sa katawan ko habang ako ay hindi nakararamdam, kaya manalangin ka kay Allāh na magpagaling Siya sa akin." Nagsabi siya: "Kung loloobin mo ay magtitiis ka at ukol sa iyo ang Paraiso. Kung loloobin mo ay mananalangin ako kay Allāh na magpagaling Siya sa iyo." Nagsabi ito: "Magtitiis ako." Pagkatapos nagsabi ito: "Kaya manalangin ka kay Allāh na hindi ako mapabuyangyang kung sinaniban ako." Kaya dumalangin siya kay Allāh para rito.

Source
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Download image

Saved at original quality