Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Pinaniniwalaan

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

Available in 70 languages
«Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): Ako ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal. Ang sinumang gumawa ng isang gawa na nagtambal siya rito kasama sa Akin ng iba pa sa Akin, mag-iiwan Ako sa kanya kasama ng pagtatambal niya."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi na Siya ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal sapagkat Siya ang Walang-pangangailangan sa bawat bagay; at na ang tao, kapag gumawa siya ng isang gawang kabilang sa mga pagtalima at gumawa nito para kay Allāh at para sa iba pa kay Allāh, mag-iiwan sa kanya si Allāh, hindi tatanggap niyon mula sa kanya, at magbabalik nito sa tagagawa nito. Kaya kinakailangan ang pagpapakawagas sa gawain para kay Allāh (napakataas Siya) dahil Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay hindi tumatanggap kundi ng anumang naging wagas na ukol sa marangal na mukha Niya.

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Download image

Saved at original quality