Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Pinaniniwalaan

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:

Available in 60 languages
«Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nag-anyaya tungo sa isang patnubay, magiging ukol sa kanya mula sa pabuya ang tulad ng mga pabuya ng mga sumunod sa kanya, habang hindi nakababawas iyon ng anuman mula sa mga pabuya nila. Ang sinumang nag-anyaya tungo sa isang kaligawan, magiging laban sa kanya mula sa kasalanan ang tulad ng mga kasalanan ng mga sumunod sa kanya, habang hindi nakababawas iyon ng anuman mula sa mga kasalanan nila."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang gumabay, nagturo, at nag-udyok sa mga tao sa isang daan na may katotohanan at kabutihan sa pamamagitan ng pagsabi o paggawa, magiging ukol sa kanya ang tulad ng pabuya sa sinumang sumunod sa kanya nang hindi nakabawas iyon ng anuman mula sa pabuya sa tagasunod. At ang sinumang gumabay at nagturo sa mga tao tungo sa isang daan ng kabulaanan at kasamaan na may pagkakasala at kamalian o utos na hindi napahihintulutan sa pamamagitan ng pagsabi o paggawa, magiging laban sa kanya ang tulad ng pabigat at kasalanan ng sinumang sumunod sa kanya nang hindi nakabawas iyon ng anuman mula sa mga kasalanan nila.

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Download image

Saved at original quality