Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Pinaniniwalaan

Ayon kay Maḥmūd bin Labīd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:

Available in 62 languages
«Ayon kay Maḥmūd bin Labīd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na ang pinakapinangangambahan sa pinangangambahan ko para sa inyo ay ang Maliit na Pagtatambal." Nagsabi sila: "Ano po ang Maliit na Pagtatambal, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pagpapakitang-tao. Magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa kanila sa Araw ng Pagbangon kapag gagantihan ang mga tao sa mga gawa nila: Pumunta kayo sa kanila na kayo noon ay nagpapakitang-tao sa Mundo, saka tumingin kayo kung makatatagpo kaya kayo sa piling nila ng isang ganti."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang higit sa anumang pinangangambahan niya para sa Kalipunan niya ay ang Maliit na Pagtatambal. Ito ay ang pagpapakitang-tao sa pamamagitan ng paggawa dahil sa mga tao. Pagkatapos nagpabatid siya tungkol sa kaparusahan ng mga tagapagpakitang-tao sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng pagsabi sa kanila: "Pumunta kayo sa kanila na kayo noon ay gumagawa alang-alang sa kanila, saka tumingin kayo kung makapangyayari kaya sila sa paggantimpala sa inyo at pagkakaloob ng pabuya sa inyo sa gawang iyon."

Source
Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad
Download image

Saved at original quality