Hadith for the World
Ang Pananampalataya kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan

Ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh) sa Pagkadiyos

14 hadiths

14 hadiths

Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay sumasaway sa inyo na manumpa kayo sa mga magulang ninyo." Nagsabi si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Kaya sumpa man kay Allāh, hindi ako sumumpa sa mga ito, magmula ng narinig ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumaway laban sa mga ito, habang bumabanggit ni habang nag-uulat."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): Ako ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal. Ang sinumang gumawa ng isang gawa na nagtambal siya rito kasama sa Akin ng iba pa sa Akin, mag-iiwan Ako sa kanya kasama ng pagtatambal niya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Huwag kayong magpalabis sa pagpuri sa akin, gaya ng pagpapalabis sa pagpuri ng mga Kristiyano sa Anak ni Maria, sapagkat ako lamang ay alipin Niya. Kaya sabihin ninyo: Ang Alipin ni Allāh at ang Sugo Niya."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya), na siya ay nagsabi: {Sinabi: "O Sugo ni Allāh, sino po ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa Pamamagitan mo sa Araw ng Pagbangon?" Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talaga ngang nagpalagay ako, O Abū Hurayrah, na walang magtanong sa akin tungkol sa usapang ito na isa man na una kaysa sa iyo dahil sa nakita ko na sigasig mo sa usapan. Ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang nagsabi na: 'Walang Diyos kundi si Allāh' nang wagas mula sa puso niya o sarili niya."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pangungusap at nagsabi ako ng isang iba naman. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang namatay habang siya ay dumadalangin sa iba pa kay Allāh na isang kaagaw, papasok siya sa Impiyerno." Nagsabi ako mismo: "Ang sinumang namatay habang siya ay hindi dumadalangin sa isang kaagaw kay Allāh, papasok siya sa Paraiso."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang dumanas ng kasalatan at idinulog ito sa mga tao, hindi ito makatutugon sa karukhaan niya. Ang sinumang magdulog nito kay Allah, magpapadala agad si Allah sa kanya ng panustos na maaga o huli."Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: "Ang pinakamalaki mula sa mga malalaking kasalanan ay: Ang Pagtatambal sa Allah,at [Ang pagdama ng] kaligtasan laban sa [binabalak na] kaparusahan ni Allah,at Ang kawalan ng Pag-asa mula sa Habag ni Allah,at Ang panghinaan ng loob mula sa Awa ni Allah"Isinaysay ito ni `Abdurrazzāq
Ayon kay 'Abdullāh bin 'Ukaym-malugod si Allāh sa kanya-Hadith na marfū: "Sinuman ang manalig sa isang bagay,ipapaubaya siya rito"Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Ṭāriq bin Ashyam Al-Ashja`īy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at tumangging sumampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allāh, ipinagbabawal lapastangin ang yaman niya at ang buhay niya at ang pagtutuos sa kanya ay nasa kay Allāh."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Marthad Al-Ganawīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong umupo sa mga libingan at huwag kayong magdasal paharap sa mga ito."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Si Ummu Salamah ay bumanggit sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng isang simbahang nakita niya sa lupain ng Etyopya, na tinatawag na Māriyah, saka bumanggit siya rito ng nakita niya sa loob niyon na mga larawan. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga iyon ay mga taong kapag namatay sa kanila ang maayos na lingkod o ang maayos na lalaki, nagpapatayo sila sa ibabaw ng libingan nito ng isang sambahan at nagsasalarawan sila rito ng mga larawang iyon. Ang mga iyon ay ang pinakamasasama sa mga nilikha sa ganang kay Allāh."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Minsan ako ay angkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang asno na tinatawag na `Ufayr saka nagsabi siya: "O Mu`ādh, nakaaalam ka ba sa karapatan ni Allāh sa mga lingkod Niya at kung ano ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh?" Nagsabi ako: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maaalam." Nagsabi siya: "Tunay na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman at ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa sinumang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi ba ako magbabalita nito sa mga tao?" Nagsabi siya: "Huwag kang magbalita sa kanila para hindi sila sumalig."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaki saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, ano po ang dalawang tagapag-obliga?" Kaya nagsabi siya: "Ang sinumang namatay nang hindi nagtatambal kay Allāh ng anuman ay papasok sa Paraiso at ang sinumang namatay nang nagtatambal kay Allāh ng anuman ay papasok sa Impiyerno."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nalulugod para sa inyo sa tatlo at nasusuklam para sa inyo sa tatlo sapagkat nalulugod Siya para sa inyo na sumamba kayo sa Kanya at hindi kayo magtambal sa Kanya at na mangunyapit kayo sa lubid ni Allāh nang lahatan at hindi kayo magkahati-hati at nasusuklam para sa inyo sa sabi-sabi, dami ng pagtatanong, at pagsasayang ng ari-arian."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim