Hadith for the World
Ang Pinaniniwalaan

Ang Pananampalataya kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan

44 hadiths

44 hadiths

Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay sumasaway sa inyo na manumpa kayo sa mga magulang ninyo." Nagsabi si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Kaya sumpa man kay Allāh, hindi ako sumumpa sa mga ito, magmula ng narinig ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumaway laban sa mga ito, habang bumabanggit ni habang nag-uulat."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abē Wāqed Al-Hārith bin 'Awf -malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay naka-upo sa loob ng Masjid,dumating sa kanya ang tatlong kalalakihan,lumapit ang dalawa sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at umalis ang isa.Tumayo ang dalawa sa Halaqah ng Sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- Ang isa kanila ay nakakita ng bakante sa Halaqah,kaya umupo siya rito,at ang ikalawa ay umupo sa likod nila,at ikatlo ay tumalikod at umalis.At nang matapos ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:(( Gusto ba ninyong sabihin ko sa inyo ang tungkol sa tatlong kalalakihan?:Ang isa sa kanila ay umupo [upang makinig sa pag-aalaala] sa Allah,Kaya't ipinagkaloob ni Allah sa kanya [ Ang kainaman at gantimpala ng pag-upong ito], At ang iba naman ay nahiya, Kaya't Nahiya si Allah sa kanya,habang ang iba naman ay tumalikod, Kaya't tinalikuran din siya ni Allah))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-Na ang isang lalaki ay nasa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Dumaan sa kanya ang isang lalaki,Nagsabi siya : O Sugo ni Allah,Tunay na iniibig ko [ang lalaking] iyan,Sinabi sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ipinag-bigay alam moba ito sa kanya?)) Nagsabi siya: Hindi,Nagsabi siya [Ang Propeta]: ((Ipagbigay-alam mo ito sa kanya)),Nakasalubong niya ito at sinabi niya [sa kanya]:Tunay na iniibig kita para kay Allah,Nagsabi siya: Iniibig din kita dahil sa pag-ibig mo sa akin para sa Kanya.Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): Ako ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal. Ang sinumang gumawa ng isang gawa na nagtambal siya rito kasama sa Akin ng iba pa sa Akin, mag-iiwan Ako sa kanya kasama ng pagtatambal niya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay naninibugho. Tunay na ang mananampalataya ay naninibugho. Ang paninibugho ni Allāh ay na gumawa ang mananampalataya ng ipinagbawal Niya rito."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Huwag kayong magpalabis sa pagpuri sa akin, gaya ng pagpapalabis sa pagpuri ng mga Kristiyano sa Anak ni Maria, sapagkat ako lamang ay alipin Niya. Kaya sabihin ninyo: Ang Alipin ni Allāh at ang Sugo Niya."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya), na siya ay nagsabi: {Sinabi: "O Sugo ni Allāh, sino po ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa Pamamagitan mo sa Araw ng Pagbangon?" Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talaga ngang nagpalagay ako, O Abū Hurayrah, na walang magtanong sa akin tungkol sa usapang ito na isa man na una kaysa sa iyo dahil sa nakita ko na sigasig mo sa usapan. Ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang nagsabi na: 'Walang Diyos kundi si Allāh' nang wagas mula sa puso niya o sarili niya."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Ubādah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang sumaksi na walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: nang walang katambal sa Kanya; na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya; na si Jesus ay lingkod ni Allāh, sugo Niya, salita Niya na ipinarating Niya kay Maria, at isang espiritu mula sa Kanya; at [sumaksi na] ang Paraiso ay totoo at ang Impiyerno ay totoo; magpapapasok sa kanya si Allāh sa Paraiso ayon sa anumang [nasa kanya] na gawa."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pangungusap at nagsabi ako ng isang iba naman. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang namatay habang siya ay dumadalangin sa iba pa kay Allāh na isang kaagaw, papasok siya sa Impiyerno." Nagsabi ako mismo: "Ang sinumang namatay habang siya ay hindi dumadalangin sa isang kaagaw kay Allāh, papasok siya sa Paraiso."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): Ako ay nasa ganang palagay ng lingkod Ko at Ako ay kasama niya nang umaalaala siya sa Akin. Kaya kung umalaala siya sa Akin sa sarili niya, aalaala Ako sa kanya sa sarili Ko; at kung umalaala siya sa Akin sa isang konseho, aalaala Ako sa kanya sa isang konseho na higit na mabuti kaysa roon. Kung lumapit siya sa Akin nang isang dangkal, magpapakalapit Ako sa kanya nang isang bisig; at kung lumapit siya sa Akin nang isang bisig, lalapit Ako sa kanya nang isang dipa. Kung pumunta siya sa Akin nang naglalakad, pupunta Ako sa kanya nang payagyag."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang dumanas ng kasalatan at idinulog ito sa mga tao, hindi ito makatutugon sa karukhaan niya. Ang sinumang magdulog nito kay Allah, magpapadala agad si Allah sa kanya ng panustos na maaga o huli."Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na si Allāh ay nagpalampas para sa akin sa Kalipunan ko ng pagkakamali, pagkalimot, at anumang pinilit sila."}Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Mājah, Imām Al-Bayhaqīy, at iba pa sa kanilang dalawa
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ginawa ni Allāh ang awa na isang daang bahagi at pinanatili Niya sa piling Niya ang siyamnapu't siyam. Nagpababa Siya sa lupa ng iisang bahagi. Mula sa bahaging iyon nag-aawaan ang mga nilikha hanggang sa nag-aangat ang hayop ng paa nito palayo sa anak nito sa takot na masagi ito." Sa isang sanaysay: "Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay may isang daang awa. Nagpababa Siya mula sa mga ito ng iisang awa sa pagitan ng jinn at tao, at ng mga hayop at mga kulisap. Kaya sa pamamagitan nito nagdadamayan sila, sa pamamagitan nito nag-aawaan sila, at sa pamamagitan nito dumadamay ang mabangis na hayop sa anak nito. Ipinagpaliban ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ang siyamnapu't siyam na awa na maaawa Siya sa pamamagitan ng mga ito sa Araw ng Pagkabuhay." Ayon kay Salmān Al-Fārisīy, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay may isang daang awa. Mula sa mga ito ay isang awa na nag-aawaan sa pamamagitan nito ang mga nilikha sa pagitan nila at siyamnapu't siya para sa Araw ng Pagkabuhay." Sa isang sanaysay: "Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay lumikha nang araw na nilikha Niya ang mga langit at ang lupa ng isang daang awa: bawat awa ay taklob sa pagitan ng langit hanggang sa lupa. Naglagay Siya mula sa mga ito sa lupa ng isang awa. Sa pamamagitan nito dumadamay ang ina sa anak nito, at ang mga mabangis na hayop at ang mga ibon sa isa't isa. Kapag Araw ng Pagkabuhay, lulubusin Niya ang mga iyon sa pamamagitan ng awang ito."Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay hindi tumitingin sa mga anyo ninyo ni sa mga ari-arian ninyo subalit tumitingin Siya sa mga puso ninyo at mga gawa ninyo."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinalaysay niya tungkol sa Panginoon niya (napakamapagpala Siya at napakataas): "O mga lingkod Ko, tunay na Ako ay nagbawal sa sarili Ko ng pang-aapi at ginawa Ko itong ipinagbabawal sa pagitan ninyo, kaya huwag kayong mag-apihan. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay naliligaw maliban sa sinumang pinatnubayan Ko; kaya humiling kayo sa Akin ng patnubay, papatnubayan Ko kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay nagugutom maliban sa pinakain Ko; kaya humiling kayo sa akin ng makakain, pakakainin Ko kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay hubad maliban sa pinadamitan Ko; kaya humiling kayo sa Akin ng maidadamit, dadamitan Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay nagkakamali sa gabi at maghapon at Ako ay nagpapatawad sa mga pagkakasala nang lahatan; kaya humingi kayo sa Akin ng tawad, patatawarin Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay hindi makapagpapaabot ng pinsala sa Akin para mapinsala ninyo Ako at hindi makapagpapaabot ng pakinabang sa Akin para pakinabangin ninyo Ako. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa pinakamapangilag magkasalang puso ng iisang lalaki kabilang sa inyo, hindi makadaragdag iyon sa paghahari Ko ng anuman. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa pinakamasamang-loob na puso ng iisang lalaki kabilang sa inyo, hindi makababawas iyon sa paghahari Ko ng anuman. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay tumayo sa iisang kapatagan at humingi sa Akin, at magbibigay Ako sa bawat isa ng hiningi niya, hindi makababawas iyon mula sa taglay Ko malibang gaya ng naibabawas ng karayom kapag ipinasok ito sa dagat. O mga lingkod Ko, ang mga ito ay mga gawa ninyo lamang na binibilang Ko para sa inyo. Pagkatapos tutumbasan Ko kayo sa mga ito." Kaya ang sinumang nakatagpo ng isang kabutihan ay magpuri siya kay Allāh at ang sinumang nakatagpo ng iba roon ay huwag nga siyang maninisi kundi sa sarili niya.}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pinakakaibig-ibig sa mga bayan kay Allāh ay ang mga masjid ng mga ito at ang pinakakasuklam-suklam sa mga bayan kay Allāh ay ang mga palengke ng mga ito."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Noong nilikha ni Allāh ang mga nilikha, isinulat Niya sa isang talaan, na nasa piling Niya sa ibabaw ng trono: Tunay na ang awa Ko ay nananaig sa galit Ko." Sa isang sanaysay: "nanaig sa galit Ko." Sa isa pang sanaysay: "nauna sa galit Ko."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung aling pagkakasala ang pinakamabigat sa ganang kay Allāh. Nagsabi siya: "Na gumawa ka para kay Allāh ng isang kaagaw samantalang Siya ay lumikha sa iyo." Nagsabi ako: "Tunay na iyon ay talagang mabigat." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Na pumatay ka ng anak mo; nangangamba ka na kakain siya kasama mo." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Na makipangalunya ka sa ginang ng kapit-bahay mo."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay talagang nagpapalugit sa tagalabag ng katarungan; hanggang sa nang dumaklot Siya rito, hindi Siya magpapalusot dito." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 11:102): {Gayon ang pagdaklot ng Panginoon mo nang dumaklot Siya sa mga pamayanan samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan. Tunay na ang pagdaklot Niya ay masakit, matindi.}}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: "Ang pinakamalaki mula sa mga malalaking kasalanan ay: Ang Pagtatambal sa Allah,at [Ang pagdama ng] kaligtasan laban sa [binabalak na] kaparusahan ni Allah,at Ang kawalan ng Pag-asa mula sa Habag ni Allah,at Ang panghinaan ng loob mula sa Awa ni Allah"Isinaysay ito ni `Abdurrazzāq
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag nanatili sa pagdalo ang isang Muslim sa mga masjid para sa pagdarasal at pag-aalaala, natutuwa si Allāh sa kanya gaya ng pagkatuwa ng mag-anak ng nawawala sa nawawala nila kapag dumating sa kanila."Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nagsabi: {Ang sinumang umaway sa isang katangkilik para sa Akin, nagpahayag nga Ako sa kanya ng digmaan. Hindi nagpakalapit-loob sa Akin ang lingkod Ko sa pamamagitan ng isang bagay na higit na kaibig-ibig sa Akin kaysa sa isinatungkulin Ko sa kanya. Hindi tumitigil ang lingkod Ko na nagpapakalapit-loob sa Akin sa pamamagitan ng mga kusang-loob na pagsamba hanggang sa umibig Ako sa kanya. Kaya kapag umibig Ako sa kanya, Ako ay naging ang pandinig niya na ipinandidinig niya, ang paningin niya na ipinantitingin niya, ang kamay niya na ipinanghahawak niya, at ang paa niya na ipinanlalakad niya. Kung humingi siya sa Akin, talagang magbibigay nga Ako sa kanya. Talagang kung humiling siya sa Akin ng pagkupkop, talagang magkukupkop nga Ako sa kanya. Hindi Ako nag-atubili sa isang bagay na Ako ay gagawa nito gaya ng pag-aatubili Ko sa [pagbawi sa] kaluluwa ng mananampalataya habang nasusuklam siya sa kamatayan samantalang Ako naman ay nasusuklam sa pagpapasakit sa kanya.}"}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kina Anas bin Mālik at Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hinggil sa isinaysay niya ayon sa Panginoon niya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na nagsabi: "Kapag nagpakalapit ang tao sa Akin ng isang dangkal, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang siko. Kapag nagpakalapit siya sa Akin ng isang siko, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang dipa. Kapag pinuntahan niya Ako nang naglalakad, pupuntahan Ko siya nang payagyag."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Adīy bin Ḥātim (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Wala sa inyong isa man malibang kakausap sa kanya si Allāh nang walang tagapagsalin sa pagitan niya at Nito. Titingin siya sa kanan mula sa kanya ngunit wala siyang makikita kundi ang [gawang] ipinauna niya. Titingin siya sa kaliwa mula sa kanya ngunit wala siyang makikita kundi ang [gawang] ipinauna niya. Titingin siya sa nakaharap sa kanya ngunit wala siyang makikita kundi ang Impiyerno sa tapat ng mukha niya. Kaya mangilag kayo sa Impiyerno, kahit pa man sa pamamagitan ng [pagkakawanggawa ng] kalahati ng isang datiles."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito