Hadith for the World
Ang Pinaniniwalaan

Ang Pananampalataya kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan

44 hadiths

44 hadiths

Ayon kay 'Abdullāh bin 'Ukaym-malugod si Allāh sa kanya-Hadith na marfū: "Sinuman ang manalig sa isang bagay,ipapaubaya siya rito"Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Ṭāriq bin Ashyam Al-Ashja`īy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at tumangging sumampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allāh, ipinagbabawal lapastangin ang yaman niya at ang buhay niya at ang pagtutuos sa kanya ay nasa kay Allāh."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang umibig sa pakikipagtagpo kay Allah, iibigin ni Allah ang pagkikipagtagpo sa kanya. Ang sinumang nasuklam sa pakikipagtagpo kay Allah, kasusuklaman ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Nagsabi ako: 'O Sugo ni Allah, pagkasuklam po ba sa kamatayan sapagkat lahat tayo ay nasusuklam sa kamatayan?' Nagsabi siya: 'Hindi ganoon, bagkus ang mananampalataya, kapag binalitaan ng awa ni Allah, pagkalugod Niya, at Paraiso Niya, ay iibigin ang pakikipagtagpo kay Allah kaya iibigin din ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Tunay na ang tumatangging sumampalataya, kapag binalitaan ng pagpaparusa ni Allah at ngitngit Niya, ay kasusuklaman ang pakikipagtagpo kay Allah at kasusuklaman din ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya.'"Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang mga naaawa ay kaaawaan sila ng Napakamaawain. Kaawaan ninyo ang mga naninirahan sa lupa, kaaawaan kayo Niyang nasa langit."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya noon, kapag pumasok sa masjid, ay nagsasabi ng: "A`ūdhu bi-llāhi –l`ađīm, wa-bi-wajhihi –lkarīm, wa-sulṭānihi –lqadīm, mina –shshayṭāni –rrajīm. (Nagpapakupkop ako kay Allāh, ang Sukdulan, sa mukha Niyang marangal, at sa kapamahalaan Niyang datihan, laban sa demonyong isinumpa.)" Nagsabi siya: "Sapat na ba?" Nagsabi ako: "Oo." Nagsabi siya: "Kaya kapag sinabi niya iyan, magsasabi ang demonyo: Iningatan siya laban sa akin sa nalalabi sa araw."}Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Tunay na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay magsasabi sa mga maninirahan sa Paraiso: "O mga maninirahan sa Paraiso." Kaya magsasabi sila: "Bilang pagtugon sa Iyo, Panginoon namin, at bilang pagpapaligaya sa Iyo." Kaya magsasabi Siya: "Nalugod ba kayo?" Kaya magsasabi sila: "Ano ang mayroon sa amin na hindi kami nalulugod samantalang nagbigay Ka nga sa amin ng hindi Mo ibinigay sa isa mula sa nilikha Mo?" Kaya magsasabi Siya: "Ako ay magbibigay sa inyo ng higit na mainam kaysa roon." Magsasabi sila: "O Panginoon, at aling bagay ang higit na mainam kaysa roon?" Kaya magsasabi Siya: "Magpapadapo Ako sa inyo ng kaluguran Ko kaya hindi Ako maiinis sa inyo matapos nito magpakailanman."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «إذا أَحَبَّ اللهُ تعالى العَبْدَ، نَادَى جِبْرِيلَ: إنَّ اللهَ تعالى يُحِبُّ فلاناً، فَأَحْبِبْهُ، فَيُحِبُّهُ جِبْرِيلُ، فَيُنَادِي في أَهْلِ السَّمَاءِ: إنَّ اللهَ يحِبُّ فلاناً، فَأَحِبُّوهُ، فَيُحِبُّهُ أَهْلُ السَّمَاءِ، ثُمَّ يُوضَعُ لَهُ القَبُولُ في الأرضِ». وفي رواية: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «إنَّ اللهَ تعالى إذا أَحَبَّ عَبْدًا دَعَا جِبْرِيلَ، فقال: إني أُحِبُّ فلاناً فَأَحْبِبْهُ، فَيُحِبُّهُ جِبْرِيلُ، ثم ينادي في السَّمَاءِ، فيقول: إنَّ اللهَ يُحِبُّ فلاناً فَأَحِبُّوهُ، فَيُحِبُّهُ أَهْلُ السَّمَاءِ، ثُمَّ يُوضَعُ له القَبُولُ في الأرضِ، وإذا أَبْغَضَ عَبْدًا دَعَا جِبْرِيلَ، فيقول: إني أُبْغِضُ فلاناً فَأَبْغِضْهُ. فَيُبْغِضُهُ جِبْرِيلُ، ثُمَّ ينادي في أَهْلِ السَّمَاءِ: إنَّ اللهَ يُبْغِضُ فلاناً فَأَبْغِضُوهُ، ثُمَّ تُوضَعُ له البَغْضَاءُ في الأرضِ».متفق عليه. الرواية الأولى لفظ البخاري، والثانية لفظ مسلم
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang si Mu`ādh ay angkas niya sa sasakyang hayop, ay nagsabi: "O Mu`ādh na anak ni Jabal!" Nagsabi ito: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo." Nagsabi siya: "O Mu`ādh!" Nagsabi ito: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo" nang makatatlo. Nagsabi siya: "Walang isa mang sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo Niya nang tapat sa puso niya malibang nagbawal sa kanya si Allāh sa Impiyerno." Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi po ba ako magpapabatid hinggil dito sa mga tao para magalak sila?" Nagsabi siya: "Samakatuwid, sasalig sila." Nagpabatid hinggil dito si Mu`ādh sa sandali ng pagkamatay niya bilang pag-iwas sa kasalanan.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Samantalang ang isang lalaki ay naglalakad sa isang daan, tumindi sa kanya ang uhaw. Nakatagpo siya ng isang balon kaya bumaba siya roon at uminom. Pagkatapos ay lumabas siya at walang anu-ano ay may isang asong humihingal na kumakain ng basang lupa dala ng pagkauhaw. Nagsabi ang lalaki: Talaga ngang umabot ang asong ito sa uhaw na tulad ng umabot nga sa akin. Bumaba siya sa balon at pinuno ang sapatos niya ng tubig. Pagkatapos ay binitbit ito ng bibig niya hanggang sa nakaakyat siya. Pinainom niya ang aso. Kinilala ni Allah ang kabutihan niya at pinatawad siya. Nagsabi sila: O Sugo ni Allah, tunay na may gantimpala para sa amin dahil sa mga hayop? Nagsabi siya: "Sa bawat buhay na nilalang ay may gantimpala." Sa isang sanaysay: "Kinilala ni Allah ang kabutihan niya, pinatawad siya, at papasukin siya sa Paraiso." Sa isa pang sanaysay: "Samantalang may isang asong paikut-ikot sa isang balon na halos patayin na ito ng uhaw, walang anu-ano ay nakita ito ng isang patutot na kabilang sa mga patutot ng mga anak ni Israel. Hinubad niya ang sapatos niya at ipinansalok ito para roon. Pinainom niya iyon kaya pinatawad siya dahil doon."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Ibnu 'Abbās-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay nagsabi siya;Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nananalangin:(( O Allah tulungan ako sa mga mabuting gawa,at huwag sa masama,Pagkalooban ako ng Tagumpay sa mabuti at huwag sa masama,At linlangin sila para sa akin at huwag ipagkaloob ang paglinlang sa kanila, laban sa akin,At gabayan ako at padaliin ang pagpapatnubay sa akin,Tulungan ako sa sinumang umaapi sa akin, O Allah,Ibilang mo ako, sa Iyo magpasalamat,at sa Iyo ay mapag-alaala,at sa Iyo ay may takot,at sa Iyo ay sumunod, at sa Iyo ay mapag-kumbaba o magbalik-loob,O Allah,tanggapin Mo ang aking Pagsisi,at dalisayin ang mga kasalanan ko,at Tugunan ang panalangin ko,at panatilihin ang pananalita ko,at Patnubayan ang puso ko,at ituwid ang dila ko,at tanggalin ang masama sa puso ko))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Bumababa ang Panginoon natin (napakamapagpala Siya at napakataas) sa bawat gabi tungo sa pinakamababang langit kapag natitira ang huling ikatlo ng gabi. Magsasabi Siya: Sino ang dumadalangin sa Akin para tumugon Ako sa kanya? Sino ang humihingi sa Akin para magbigay ako sa Kanya? Sino ang humihingi ng tawad sa Akin para magpatawad Ako sa kanya?"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Marthad Al-Ganawīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong umupo sa mga libingan at huwag kayong magdasal paharap sa mga ito."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya.Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakakita ng sipon sa [may bandang] Qiblah,Kamunghi-munghi ito para sa kanya,hanggang sa makikita mo ito sa mukha niya,Tumayo siya at kinamot ito gamit ang kamay niya, Nagsabi siya: ((Tunay na ang isa sa inyo,kapag tumindig sa pagdarasal niya,tunay na nananalangin siya sa Panginoon niya,At tunay na ang Panginoon niya ay nasa pagitan niya at pagitan ng Qiblah,Kaya huwag magdura ang isa sa inyo sa harap ng Qiblah niya,ngunit sa kanyang bandang kaliwa o sa ilalim ng dalawang paa niya))Pagkatapos ay kinuha niya ang dulo ng damit niya,at nagdura rito,Pagkatapos ay kinamot niya ang bawat isa rito,Nagsabi siya: ( O di kaya ay gawin niya ang ganito))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Si Ummu Salamah ay bumanggit sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng isang simbahang nakita niya sa lupain ng Etyopya, na tinatawag na Māriyah, saka bumanggit siya rito ng nakita niya sa loob niyon na mga larawan. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga iyon ay mga taong kapag namatay sa kanila ang maayos na lingkod o ang maayos na lalaki, nagpapatayo sila sa ibabaw ng libingan nito ng isang sambahan at nagsasalarawan sila rito ng mga larawang iyon. Ang mga iyon ay ang pinakamasasama sa mga nilikha sa ganang kay Allāh."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «إن لله تِسْعَةً، وتِسْعِينَ، اسْمًا، مِائَةً إلا واحدا مَنْ أَحْصَاهَا دخل الجنة».متفق عليه
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Minsan ako ay angkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang asno na tinatawag na `Ufayr saka nagsabi siya: "O Mu`ādh, nakaaalam ka ba sa karapatan ni Allāh sa mga lingkod Niya at kung ano ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh?" Nagsabi ako: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maaalam." Nagsabi siya: "Tunay na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman at ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa sinumang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi ba ako magbabalita nito sa mga tao?" Nagsabi siya: "Huwag kang magbalita sa kanila para hindi sila sumalig."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaki saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, ano po ang dalawang tagapag-obliga?" Kaya nagsabi siya: "Ang sinumang namatay nang hindi nagtatambal kay Allāh ng anuman ay papasok sa Paraiso at ang sinumang namatay nang nagtatambal kay Allāh ng anuman ay papasok sa Impiyerno."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Sufyān bin `Abdillāh Ath-Thaqafīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ako: "O Sugo, ni Allāh, magsabi ka sa akin kaugnay sa Islām ng isang masasabing hindi ako makapagtatanong tungkol doon sa isang iba pa sa iyo." Nagsabi siya: "Magsabi ka: Sumampalataya ako kay Allāh, pagkatapos magpakatuwid ka."}Nagsalaysay nito sina Imām Muslim at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nalulugod para sa inyo sa tatlo at nasusuklam para sa inyo sa tatlo sapagkat nalulugod Siya para sa inyo na sumamba kayo sa Kanya at hindi kayo magtambal sa Kanya at na mangunyapit kayo sa lubid ni Allāh nang lahatan at hindi kayo magkahati-hati at nasusuklam para sa inyo sa sabi-sabi, dami ng pagtatanong, at pagsasayang ng ari-arian."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim