Ang Pinaniniwalaan
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
Available in 55 languages
«Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Tunay na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay magsasabi sa mga maninirahan sa Paraiso: "O mga maninirahan sa Paraiso." Kaya magsasabi sila: "Bilang pagtugon sa Iyo, Panginoon namin, at bilang pagpapaligaya sa Iyo." Kaya magsasabi Siya: "Nalugod ba kayo?" Kaya magsasabi sila: "Ano ang mayroon sa amin na hindi kami nalulugod samantalang nagbigay Ka nga sa amin ng hindi Mo ibinigay sa isa mula sa nilikha Mo?" Kaya magsasabi Siya: "Ako ay magbibigay sa inyo ng higit na mainam kaysa roon." Magsasabi sila: "O Panginoon, at aling bagay ang higit na mainam kaysa roon?" Kaya magsasabi Siya: "Magpapadapo Ako sa inyo ng kaluguran Ko kaya hindi Ako maiinis sa inyo matapos nito magpakailanman."}»Meaning translation ·
Saved at original quality








