Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Pinaniniwalaan

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:

Available in 60 languages
«Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang Muslim ay ang sinumang naligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya. Ang tagalikas ay ang sinumang umiwan ng sinaway ni Allāh."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Muslim na kumpleto ang pagkaanib sa Islām ay ang sinumang naligtas ang mga Muslim mula sa dila niya sapagkat hindi siya nang-aalipusta sa kanila, hindi siya sumusumpa sa kanila, hindi siya nanlilibak sa kanila, at hindi siya nagpupunyagi sa gitna nila ng alinmang uri kabilang sa mga uri ng perhuwisyo sa pamamagitan ng dila niya; at naligtas sila mula sa kamay niya sapagkat hindi siya nangangaway sa kanila, hindi siya kumukuha ng mga ari-arian nila nang walang katwiran, at anumang nakawangis niyon. Ang tagalikas ay ang sinumang nagwaksi ng ipinagbawal ni Allāh (napakataas Siya).

Source
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Download image

Saved at original quality