TL
Ang mga Pangalan at ang mga Patakaran
Ang Pagkadagdag ng Pananampalataya at ang Pagkabawas Nito
5 hadiths
Ang Islām
3
Ang mga Nakasisira sa Islām
1
Ang mga Usapin Kaugnay sa Panahon ng Kamangmangan
1
Ang Pagkadagdag ng Pananampalataya at ang Pagkabawas Nito
5
Ang mga Sangay ng Pananampalataya
3
Ang Kawalang-pananampalataya
2
Ang Pagtatambal
4
Ang Pagpapaimbabaw
1
Ang Kasuwailan
1
Ang Bid`ah
2
5 hadiths
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pananampalataya ay higit sa pitumpung – o higit sa animnapung – sangay. Ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at ang pinakamababa sa mga ito ay ang pag-aalis ng perhuwisyo palayo sa daan. Ang pagkahiya ay isang sangay ng pananampalataya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang Muslim ay ang sinumang naligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya. Ang tagalikas ay ang sinumang umiwan ng sinaway ni Allāh."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nakakita kabilang sa inyo ng isang nakasasama ay ibahin niya ito sa pamamagitan ng kamay niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng dila niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng puso niya – at iyon ay ang pinakamahinang pananampalataya."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: "ثَلاَثٌ مَنْ كُنَّ فِيهِ وَجَدَ حَلاَوَةَ الإِيمَانِ: أَنْ يَكُونَ اللَّهُ وَرَسُولُهُ أَحَبَّ إِلَيْهِ مِمَّا سِوَاهُمَا، وَأَنْ يُحِبَّ المَرْءَ لاَ يُحِبُّهُ إِلَّا لِلَّهِ، وَأَنْ يَكْرَهَ أَنْ يَعُودَ فِي الكُفْرِ كَمَا يَكْرَهُ أَنْ يُقْذَفَ فِي النَّارِ".
متفق عليه
Ayon kay Al-`Abbās bin `Abdilmuṭṭalib (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Nakatikim ng lasa ng pananampalataya ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang relihiyon, at kay Muḥammad bilang Sugo."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim