Hadith for the World
Ang Pinaniniwalaan

Ang mga Pangalan at ang mga Patakaran

22 hadiths

22 hadiths

Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagdala laban sa atin ng sandata ay hindi kabilang sa atin."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Magdali-dali kayo sa mga [maayos na] gawain [bago ng pagdapo ng] mga ligalig gaya ng mga piraso ng gabing nagpapadilim, na uumagahin ang lalaki bilang isang mananampalataya at gagabihin siya bilang isang tagatangging sumampalataya o gagabihin siya bilang isang mananampalataya at uumagahin siya bilang isang tagatangging sumampalataya, na nagbebenta ng Relihiyon niya kapalit ng isang paninda mula sa kamunduhan."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Pananampalataya ay higit sa pitumpu o higit sa animnapung sangay. Ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsabi ng Walang Diyos kundi si Allah, at ang pinakamababa sa mga ito ay ang pag-aalis ng nakasasakit palayo sa daan. Ang pagkahiya ay isang sangay ng Pananampalataya."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, huwag Mong gawin ang libingan ko bilang isang diyus-diyusan." Sumumpa si Allāh sa mga taong gumawa sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan.}Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang pinakamabigat na ṣalāh sa mga mapagpaimbabaw ay ang ṣalāh sa gabi at ang ṣalāh sa madaling-araw. Kung sakaling nakaaalam sila sa [gantimpala sa] dalawang ito, talaga sanang pumunta sila sa dalawang ito kahit pa man pagapang. Talaga ngang nagbalak ako na mag-utos [na magsagawa] ng ṣalāh saka magsagawa ng iqamāh, pagkatapos mag-utos ako sa isang lalaki saka mamuno ito sa ṣalāh sa mga tao, pagkatapos lumisan ako na may kasama sa akin na mga lalaking may mga bigkis ng panggatong patungo sa mga taong hindi dumadalo sa ṣalāh saka manunog ako sa kanila ng mga bahay nila sa apoy."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nag-anyaya tungo sa isang patnubay, magiging ukol sa kanya mula sa pabuya ang tulad ng mga pabuya ng mga sumunod sa kanya, habang hindi nakababawas iyon ng anuman mula sa mga pabuya nila. Ang sinumang nag-anyaya tungo sa isang kaligawan, magiging laban sa kanya mula sa kasalanan ang tulad ng mga kasalanan ng mga sumunod sa kanya, habang hindi nakababawas iyon ng anuman mula sa mga kasalanan nila."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Maḥmūd bin Labīd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na ang pinakapinangangambahan sa pinangangambahan ko para sa inyo ay ang Maliit na Pagtatambal." Nagsabi sila: "Ano po ang Maliit na Pagtatambal, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pagpapakitang-tao. Magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa kanila sa Araw ng Pagbangon kapag gagantihan ang mga tao sa mga gawa nila: Pumunta kayo sa kanila na kayo noon ay nagpapakitang-tao sa Mundo, saka tumingin kayo kung makatatagpo kaya kayo sa piling nila ng isang ganti."}Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ: "Ang sinumang hinadlangan sa [pagtamo ng] pangangailangan niya ng minamasamang pangitain ay nakagawa nga ng pagtatambal [kay Allāh]." Nagsabi sila: "Kaya ano po ang panakip-sala roon?" Nagsabi siya: "Na sabihin mo: Allāhumma lā khayra illā khayruka wa lā ṭayra illā ṭayruka wa lā ilāha ghayruka (O Allāh, walang kabutihan maliban sa kabutihan Mo, walang masamang pangitain maliban sa masamang pangitain Mo, at walang Diyos bukod pa sa Iyo)."Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang paghahalintulad sa mga mananampalataya sa pagmamahalan nila, pag-aawaan nila, at pagdadamayan nila ay tulad ng katawan: kapag may dumaing mula rito na isang bahagi, magtatawagan para rito ang nalalabi sa katawan sa puyat at lagnat."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi kabilang sa atin ang sinumang nanampal ng pisngi, namunit ng mga kuwelyo, at nanawagan ng panawagan ng Kamangmangan."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon sa ilan sa mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang pumunta sa isang manghuhula saka nagtanong doon tungkol sa isang bagay, hindi tatanggap sa kanya nang apatnapung araw ng isang pagdarasal."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pananampalataya ay higit sa pitumpung – o higit sa animnapung – sangay. Ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at ang pinakamababa sa mga ito ay ang pag-aalis ng perhuwisyo palayo sa daan. Ang pagkahiya ay isang sangay ng pananampalataya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Buraydah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang sumumpa sa ipinagkatiwalang tungkulin, hindi siya kabilang sa atin."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang Muslim ay ang sinumang naligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya. Ang tagalikas ay ang sinumang umiwan ng sinaway ni Allāh."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nakakita kabilang sa inyo ng isang nakasasama ay ibahin niya ito sa pamamagitan ng kamay niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng dila niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng puso niya – at iyon ay ang pinakamahinang pananampalataya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Mālik Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng:] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng:] subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. Ang pagdarasal ay liwanag. Ang kawanggawa ay patotoo. Ang pagtitiis ay tanglaw. Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo o laban sa iyo. Ang bawat isa sa mga tao ay maagang lumilisan saka nagtitinda ng sarili niya kaya nagpapalaya nito o nagpapahamak nito."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, si Ibnu Jud`ān noon sa Panahon ng Kamangmangan ay nakikiugnay sa kaanak at nagpapakain ng dukha. Kaya iyan kaya ay magpapakinabang sa kanya?" Nagsabi siya: "Hindi ito magpapakinabang sa kanya. Tunay na siya ay hindi nagsabi isang araw man lang ng: Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng kasalanan ko sa Araw ng Pagtutumbas."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na sa pagitan ng tao at ng shirk at kawalang-pananampalataya ay ang pag-iwan sa ṣalāh."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: "ثَلاَثٌ مَنْ كُنَّ فِيهِ وَجَدَ حَلاَوَةَ الإِيمَانِ: أَنْ يَكُونَ اللَّهُ وَرَسُولُهُ أَحَبَّ إِلَيْهِ مِمَّا سِوَاهُمَا، وَأَنْ يُحِبَّ المَرْءَ لاَ يُحِبُّهُ إِلَّا لِلَّهِ، وَأَنْ يَكْرَهَ أَنْ يَعُودَ فِي الكُفْرِ كَمَا يَكْرَهُ أَنْ يُقْذَفَ فِي النَّارِ".متفق عليه
Ayon kay Al-`Abbās bin `Abdilmuṭṭalib (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Nakatikim ng lasa ng pananampalataya ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang relihiyon, at kay Muḥammad bilang Sugo."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عن جابر بن عبد الله قال: كان رسول الله صلى الله عليه وسلم إذا خطب احمرَّتْ عيناه، وعلا صوته، واشتد غضبه، حتى كأنه مُنذِرُ جيشٍ يقول: صبَّحكم ومسَّاكم، ويقول: «بُعثتُ أنا والساعةُ كهاتين»، ويقرن بين إصبعيه السبابة، والوسطى، ويقول: «أما بعد، فإن خير الحديث كتاب الله، وخير الهدى هدى محمد، وشر الأمور محدثاتها، وكل بدعة ضلالة» ثم يقول: «أنا أولى بكل مؤمن من نفسه، من ترك مالًا فلأهله، ومن ترك دينًا أو ضَياعًا فإليَّ وعليَّ».رواه مسلم