TL
Ang mga Pangalan at ang mga Patakaran
Ang Islām
3 hadiths
Ang Islām
3
Ang mga Nakasisira sa Islām
1
Ang mga Usapin Kaugnay sa Panahon ng Kamangmangan
1
Ang Pagkadagdag ng Pananampalataya at ang Pagkabawas Nito
5
Ang mga Sangay ng Pananampalataya
3
Ang Kawalang-pananampalataya
2
Ang Pagtatambal
4
Ang Pagpapaimbabaw
1
Ang Kasuwailan
1
Ang Bid`ah
2
3 hadiths
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang paghahalintulad sa mga mananampalataya sa pagmamahalan nila, pag-aawaan nila, at pagdadamayan nila ay tulad ng katawan: kapag may dumaing mula rito na isang bahagi, magtatawagan para rito ang nalalabi sa katawan sa puyat at lagnat."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, si Ibnu Jud`ān noon sa Panahon ng Kamangmangan ay nakikiugnay sa kaanak at nagpapakain ng dukha. Kaya iyan kaya ay magpapakinabang sa kanya?" Nagsabi siya: "Hindi ito magpapakinabang sa kanya. Tunay na siya ay hindi nagsabi isang araw man lang ng: Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng kasalanan ko sa Araw ng Pagtutumbas."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim