TL
Ang mga Pangalan at ang mga Patakaran
Ang mga Sangay ng Pananampalataya
3 hadiths
Ang Islām
3
Ang mga Nakasisira sa Islām
1
Ang mga Usapin Kaugnay sa Panahon ng Kamangmangan
1
Ang Pagkadagdag ng Pananampalataya at ang Pagkabawas Nito
5
Ang mga Sangay ng Pananampalataya
3
Ang Kawalang-pananampalataya
2
Ang Pagtatambal
4
Ang Pagpapaimbabaw
1
Ang Kasuwailan
1
Ang Bid`ah
2
3 hadiths
Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Magdali-dali kayo sa mga [maayos na] gawain [bago ng pagdapo ng] mga ligalig gaya ng mga piraso ng gabing nagpapadilim, na uumagahin ang lalaki bilang isang mananampalataya at gagabihin siya bilang isang tagatangging sumampalataya o gagabihin siya bilang isang mananampalataya at uumagahin siya bilang isang tagatangging sumampalataya, na nagbebenta ng Relihiyon niya kapalit ng isang paninda mula sa kamunduhan."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Pananampalataya ay higit sa pitumpu o higit sa animnapung sangay. Ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsabi ng Walang Diyos kundi si Allah, at ang pinakamababa sa mga ito ay ang pag-aalis ng nakasasakit palayo sa daan. Ang pagkahiya ay isang sangay ng Pananampalataya."
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Mālik Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng:] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng:] subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. Ang pagdarasal ay liwanag. Ang kawanggawa ay patotoo. Ang pagtitiis ay tanglaw. Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo o laban sa iyo. Ang bawat isa sa mga tao ay maagang lumilisan saka nagtitinda ng sarili niya kaya nagpapalaya nito o nagpapahamak nito."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim