Ang Pinaniniwalaan
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya):
Available in 65 languages
«Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang si Mu`ādh ay angkas niya sa sasakyang hayop, ay nagsabi: "O Mu`ādh na anak ni Jabal!" Nagsabi ito: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo." Nagsabi siya: "O Mu`ādh!" Nagsabi ito: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo" nang makatatlo. Nagsabi siya: "Walang isa mang sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo Niya nang tapat sa puso niya malibang nagbawal sa kanya si Allāh sa Impiyerno." Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi po ba ako magpapabatid hinggil dito sa mga tao para magalak sila?" Nagsabi siya: "Samakatuwid, sasalig sila." Nagpabatid hinggil dito si Mu`ādh sa sandali ng pagkamatay niya bilang pag-iwas sa kasalanan.}»Meaning translation ·
Saved at original quality








