TL
Ang mga Kainaman
Ang mga Kainaman ng Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh)
4 hadiths
Ang Kalamangan ng Kaalaman
8
Ang mga Kainaman ng Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh)
4
Ang mga Kainaman ng Marangal na Qur'ān
5
Ang mga Kainaman ng Pagpapakabuti sa mga Magulang
3
Ang mga Kainaman ng Pakikipag-ugnayan sa mga Kaanak
1
Ang mga Kainaman ng Sambahayan ng Propeta – malugod si Allāh sa kanila
4
Ang mga Kainaman ng mga Gawang Maayos
16
Ang mga Kainaman ng Dhikr
10
Ang mga Kainaman ng Du`ā'
5
Ang mga Kainaman ng mga Gawain ng mga Puso
4
Ang mga Kainaman ng mga Gawain ng mga Kamay at mga Paa
6
4 hadiths
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khuḍrīy at ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang dumadapo sa Muslim na pagkapata ni pagkakasakit ni alalahanin ni lungkot ni perhuwisyo ni hapis − kahit ang tinik na tumuturok sa kanya − malibang magtatakip-sala si Allāh sa pamamagitan ng mga ito sa mga kamalian niya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang si Mu`ādh ay angkas niya sa sasakyang hayop, ay nagsabi: "O Mu`ādh na anak ni Jabal!" Nagsabi ito: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo." Nagsabi siya: "O Mu`ādh!" Nagsabi ito: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo" nang makatatlo. Nagsabi siya: "Walang isa mang sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo Niya nang tapat sa puso niya malibang nagbawal sa kanya si Allāh sa Impiyerno." Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi po ba ako magpapabatid hinggil dito sa mga tao para magalak sila?" Nagsabi siya: "Samakatuwid, sasalig sila." Nagpabatid hinggil dito si Mu`ādh sa sandali ng pagkamatay niya bilang pag-iwas sa kasalanan.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Minsan ako ay angkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang asno na tinatawag na `Ufayr saka nagsabi siya: "O Mu`ādh, nakaaalam ka ba sa karapatan ni Allāh sa mga lingkod Niya at kung ano ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh?" Nagsabi ako: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maaalam." Nagsabi siya: "Tunay na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman at ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa sinumang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi ba ako magbabalita nito sa mga tao?" Nagsabi siya: "Huwag kang magbalita sa kanila para hindi sila sumalig."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaki saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, ano po ang dalawang tagapag-obliga?" Kaya nagsabi siya: "Ang sinumang namatay nang hindi nagtatambal kay Allāh ng anuman ay papasok sa Paraiso at ang sinumang namatay nang nagtatambal kay Allāh ng anuman ay papasok sa Impiyerno."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim