TL
Ang mga Kainaman
Ang mga Kainaman ng Dhikr
10 hadiths
Ang Kalamangan ng Kaalaman
8
Ang mga Kainaman ng Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh)
4
Ang mga Kainaman ng Marangal na Qur'ān
5
Ang mga Kainaman ng Pagpapakabuti sa mga Magulang
3
Ang mga Kainaman ng Pakikipag-ugnayan sa mga Kaanak
1
Ang mga Kainaman ng Sambahayan ng Propeta – malugod si Allāh sa kanila
4
Ang mga Kainaman ng mga Gawang Maayos
16
Ang mga Kainaman ng Dhikr
10
Ang mga Kainaman ng Du`ā'
5
Ang mga Kainaman ng mga Gawain ng mga Puso
4
Ang mga Kainaman ng mga Gawain ng mga Kamay at mga Paa
6
10 hadiths
Ayon kay Abu Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magbabalita sa inyo hinggil sa pinakamabuti sa mga gawa ninyo, pinakabusilak sa mga ito sa ganang May-ari ninyo, pinakaangat sa mga ito sa mga antas ninyo, pinakamabuti para sa inyo kaysa sa paggugol ng ginto at pilak, at pinakamabuti para sa inyo kaysa sa makitagpo kayo sa kaaway ninyo para tumaga kayo ng mga leeg nila at tumaga sila ng mga leeg ninyo?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Ang pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya)."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang tumatahak sa daan ng Makkah saka naparaan siya sa isang bundok na tinatawag na Jumdān. Kaya nagsabi siya: "Tumahak kayo. Ito ay Jumdān. Nanguna ang mga tagapagbukod-tangi." Nagsabi sila: "Ano po ang mga tagapagbukod-tangi, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang mga lalaking tagapag-alaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing tagapag-alaala."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Agharr (malugod si Allāh sa kanya), na kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O mga tao, magbalik-loob kayo kay Allāh sapagkat tunay na ako ay nagbabalik-loob sa Kanya nang isandaang ulit sa isang araw."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinasaysay niya tungkol sa Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Nagsabi siya: {Nagkasala ang isang tao ng isang pagkakasala kaya nagsabi ito: "O Allāh, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi naman Siya (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagkasala ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala at nagpaparusa sa pagkakasala." Pagkatapos nanumbalik ito saka nagkasala ito saka nagsabi ito: "O Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi Siya (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagkasala ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala at nagpaparusa sa pagkakasala. Gawin mo ang niloob mo sapagkat nagpatawad nga Ako sa iyo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abe Zarr Al-Ghaffarie-malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Sugo ni Allah-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ipapa-alam koba sa iyo ang pinaka-mamahal na salita para kay Allah? Katotohanan ang pinaka-mamahal na salita para kay Allah: (Subhanallahi Wa Bihamdihi);Napaka-Maluwalhati ni Allah at Ang lahat ng Papuri ay sa kanya.
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu:((Sumpa sa kaluluwa ko na nasa Kamay Niya,Kung hindi kayo nagkakasala,aalisin kayo ni Allah,at papalitan [kayo] ni Allah ng mga grupo ng tao na nagkakasala,at humihingi ng kapatawaran sa Allah-Pagkataas-taas Niya,at papatawarin sila))
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ang mga matitirang matuwid ay Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allah), Subḥāna –llāh (Napakamaluwalhati ni Allah), Al-ḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allah), at Lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah)
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Habba`n - Isinalaysay ito ni Imām Al-Ḥākim - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsabi ng Subḥāna llāhi wa-biḥamdihi (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya) nang isandaang ulit sa isang araw, aalisin sa kanya ang mga kamalian niya kahit pa ang mga ito ay tulad [ng dami] ng mga bula ng dagat."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag nakarinig kayo ng [adhān ng] mu'adhdhin, magsabi kayo ng tulad ng sinasabi niya. Pagkatapos dumalangin kayo ng basbas para sa akin sapagkat tunay na ang sinumang dumalangin para sa akin ng isang basbas, magbabasbas si Allāh sa kanya dahil doon ng sampung [basbas]. Pagkatapos hilingin ninyo kay Allāh para sa akin ang Kaparaanan sapagkat tunay na ito ay isang katayuan sa Paraiso, na hindi nararapat kundi para sa isang lingkod kabilang sa mga lingkod ni Allāh. Umaasa ako na ako ay maging siya; sapagkat ang sinumang humiling para sa akin ng Kaparaanan, mauukol para sa kanya ang Pamamagitan."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Uthmān bin Abī Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang demonyo ay humarang nga sa pagitan ko at ng ṣalāh ko at pagbigkas ko, habang nagpapatuliro nito sa akin." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Iyan ay demonyong tinatawag na Khinzab. Kaya kapag nakadama ka sa kanya, magpakamapagpakupkop ka kay Allāh laban sa kanya at lumura ka sa kaliwa mo nang tatlong ulit." Nagsabi ito: "Kaya gumawa ako niyon saka nag-alis niyon si Allāh sa akin."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim