TL
Ang mga Kainaman
Ang mga Kainaman ng mga Gawain ng mga Kamay at mga Paa
6 hadiths
Ang Kalamangan ng Kaalaman
8
Ang mga Kainaman ng Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh)
4
Ang mga Kainaman ng Marangal na Qur'ān
5
Ang mga Kainaman ng Pagpapakabuti sa mga Magulang
3
Ang mga Kainaman ng Pakikipag-ugnayan sa mga Kaanak
1
Ang mga Kainaman ng Sambahayan ng Propeta – malugod si Allāh sa kanila
4
Ang mga Kainaman ng mga Gawang Maayos
16
Ang mga Kainaman ng Dhikr
10
Ang mga Kainaman ng Du`ā'
5
Ang mga Kainaman ng mga Gawain ng mga Puso
4
Ang mga Kainaman ng mga Gawain ng mga Kamay at mga Paa
6
6 hadiths
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang tagapagpunyagi para sa balo at maralita ay gaya ng nakikibaka sa landas ni Allāh o nagdarasal sa gabi na nag-aayuno sa maghapon."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Thawbān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamainam na salaping ginugugol ng lalaki ay salaping ginugugol niya sa mag-anak niya, salaping ginugugol ng lalaki sa sasakyang hayop niya sa landas ni Allāh, at salaping ginugugol niya sa mga kasamahan niya sa landas ni Allāh." Nagsabi si Abū Qilābah: "Nagsimula siya sa mag-anak." Pagkatapos nagsabi pa si Abū Qilābah: "Aling lalaki ang higit na mabigat sa pabuya kaysa sa isang lalaking gumugugol sa mag-anak na mga bata, na pumipigil sa kanila [sa panghihingi], o nagpapakinabang sa kanila si Allāh sa pamamagitan nito at nagpapayaman Siya sa kanila."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang taong Muslim o ang mananampalataya kaya naghugas siya ng mukha niya, lalabas mula sa mukha niya ang bawat pagkakamali, na tiningnan niya ng mga mata niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga kamay niya, lalabas mula sa mga kamay niya ang bawat pagkakamali, na ginawa ng mga kamay niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga paa niya, lalabas ang bawat pagkakamali, na nilakad ng mga paa niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig – hanggang sa lumabas siya na isang dalisay sa mga pagkakasala."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi kayo papasok sa Paraiso hanggang sa sumampalataya kayo at hindi kayo sumampalataya hanggang sa mag-ibigan kayo. Hindi ba ako magtuturo sa inyo ng isang bagay na kapag ginawa ninyo ito ay mag-iibigan kayo? Ipalaganap ninyo ang [pagbati ng] salām sa pagitan ninyo."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang pumatay ng isang tuko sa unang palo ay magkakamit siya ng ganito at gayong magandang gawa. Ang sinumang pumatay nito sa ikalawang palo ay magkakamit siya ng ganito at gayong magandang gawang mababa sa una. Kung pinatay niya ito sa ikatlong palo ay magkakamit siya ng ganito at gayong magandang gawa." Sa isang sanaysay: "Ang sinumang pumatay ng isang tuko sa unang palo ay magsusulat para sa kanya ng isandaang magandang gawa; sa ikalawang palo ay [magkakamit] ng mababa roon; at sa ikatlong palo ay [magkakamit] ng mababa roon."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
At ayon kay Abe Saed Al-Khudrie ,malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: Dumating ang isang babae sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pngalagaan-Nagsabi siya:O Sugo ni Allah,pumunta ang mga kalalakihan dahil sa mga salita mo,Pumili ka sa amin mula sa sarili mo ng isang araw na pupunta kmi sa iyo rito at ituturo mo sa amin ang mula sa itinuro sa iyo ni Allah,Nagsabi siya:((Magtipon-tipon kayo sa araw na ganito at ganito)),At nagtipon-tipon sila ,at dumating sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at tinuruan niya sila mula sa itinuro sa kanya ni Allah,pagkatapos ay nagsabi siya:((Wala mula sa inyo na isang babae na nakapag-alay ng tatlo mula sa kanyang anak maliban sa silay magiging panangga sa impyerno)) Nagsabi ang isang babae: At kung dalawa? Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(( At ang dalawa)).
Napagkaisahan ang katumpakan