Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ayon kay Thawbān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

Available in 59 languages
«Ayon kay Thawbān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamainam na salaping ginugugol ng lalaki ay salaping ginugugol niya sa mag-anak niya, salaping ginugugol ng lalaki sa sasakyang hayop niya sa landas ni Allāh, at salaping ginugugol niya sa mga kasamahan niya sa landas ni Allāh." Nagsabi si Abū Qilābah: "Nagsimula siya sa mag-anak." Pagkatapos nagsabi pa si Abū Qilābah: "Aling lalaki ang higit na mabigat sa pabuya kaysa sa isang lalaking gumugugol sa mag-anak na mga bata, na pumipigil sa kanila [sa panghihingi], o nagpapakinabang sa kanila si Allāh sa pamamagitan nito at nagpapayaman Siya sa kanila."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga anyo ng paggugol at nagpasunud-sunod siya ng mga ito kapag nagsiksikan ang mga porma ng paggugol alinsunod sa pinakakinakailangan sa iyo kaya nagpasimula siya sa pinakamahalaga saka higit na mahalaga. Nagpabatid siya na ang pinakamaraming yaman sa gantimpala ay ang ginugugol ng Muslim sa sinumang inoobliga sa kanya ang paggugol na tulad ng maybahay at anak. Pagkatapos ang paggugol sa sinasakyang inihanda para sa digmaan sa landas ni Allāh. Pagkatapos ang paggugol sa mga kasamahan at mga kasabayan sa sandali ng pagiging sila ay mga nakikibaka sa landas ni Allāh.

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Download image

Saved at original quality