Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:

Available in 47 languages
«Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang taong Muslim o ang mananampalataya kaya naghugas siya ng mukha niya, lalabas mula sa mukha niya ang bawat pagkakamali, na tiningnan niya ng mga mata niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga kamay niya, lalabas mula sa mga kamay niya ang bawat pagkakamali, na ginawa ng mga kamay niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga paa niya, lalabas ang bawat pagkakamali, na nilakad ng mga paa niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig – hanggang sa lumabas siya na isang dalisay sa mga pagkakasala."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag nagsagawa ng wuḍū' ang Muslim o ang mananampalataya kaya naghugas siya ng mukha niya sa sandali ng pagsasagawa ng wuḍū', lalabas mula sa mukha niya ang bawat maliit na pagkakamali na tiningnan niya ng mga mata niya kasama ng tubig na bumabagsak matapos ng paghuhugas o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga kamay niya, lalabas mula sa mga kamay niya ang bawat maliit na pagkakamali na natamo ng mga kamay niya kasama ng tubig o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga paa niya, lalabas ang bawat maliit na pagkakamali na nilakad ng mga paa niya kasama ng tubig o kasama ng huling patak ng tubig, hanggang sa lumabas siya na isang dalisay sa mga pagkakasalang maliliit sa pagwawakas ng pagsasagawa ng wuḍū'.

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Download image

Saved at original quality