Hadith for the World
Ang Kadalisayan

Ang Wuḍū'

8 hadiths

8 hadiths

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang taong Muslim o ang mananampalataya kaya naghugas siya ng mukha niya, lalabas mula sa mukha niya ang bawat pagkakamali, na tiningnan niya ng mga mata niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga kamay niya, lalabas mula sa mga kamay niya ang bawat pagkakamali, na ginawa ng mga kamay niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga paa niya, lalabas ang bawat pagkakamali, na nilakad ng mga paa niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig – hanggang sa lumabas siya na isang dalisay sa mga pagkakasala."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-((Kapag kayo ay nagsuot ng damit,at kapag kayo ay nagsagawa ng wudhu,magsimula kayo sa inyong kanan))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi,Nagsabi ang Sugo ni Allag-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ((Katotohanan na ang mga Henerasyon ko ay tatawagin sa Araw ng Pagkabuhay na may liwanag sa kanilang mga mukha at sa bahagi ng kanilang mga katawan dahil sa bakas ng Wudhu)) Sinuman ang may kakayanan sa inyo sa pagpapataas ng liwanag nito,gawin niya ito.At sa pananalita ni Imam Muslim:(( Nakita ko si Aba Hurayrah na nagsasagawa ng Wudhu,hinugasan niya ang mukha nito at dalawang kamay nito,hanggang sa muntik na itong umabot sa dalawang balikat,pagkatapos ay hinugasan niya ang dalawang paa niya hanggang sa itinaas niya ito sa dalawang binti,Pagkatapos ay nagsabi siya: Katotohanan na ang mga Henerasyon ko ay tatawagin sa Araw ng Pagkabuhay na may liwanag sa kanilang mga mukha at sa bahagi ng kanilang mga katawan dahil sa bakas ng Wudhu ) ) Sinuman ang may kakayanan sa inyo sa pagpapataas ng liwanag nito sa mukha at sa mga bahagi ng katawan nito,gawin niya ito.At sa pananalita ni Imam Muslim:Narinig ko ang kaibigan ko-pagpalain siya niAllah at pangalagaan-na nagsasabi:(( Umaabot ang pagpapalamuti sa isang mananampalataya ayon sa ina-abot ng kanyang Wudhu))Isinaysay ito ni Imam Muslim sa dalawang salaysay niya - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi tumatanggap si Allāh ng ṣalāh ng isa sa inyo kapag naparumi siya [ng pagdumi o pag-ihi] hanggang sa makapagsagawa siya ng wuḍū'."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' saka nagpaganda sa wuḍū', lalabas ang mga kasalanan niya mula sa katawan niya hanggang sa lumabas ang mga ito sa ilalim ng mga kuko niya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: {Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog niya, suminghot siya ng tubig at magsinga nito nang tatlong ulit sapagkat tunay na ang demonyo ay nagpapagabi sa mga butas-ilong niya.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Laqīṭ bin Ṣabirah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Ako ay naging delegado ng Angkan ng Muntafiq — o sa delegasyon ng Angkan ng Muntafiq — sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Noong dumating kami sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), hindi kami nakasumpong sa kanya sa tahanan niya at nakasumpong naman kami kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya. Nag-utos siya na maghanda para sa amin ng khazīrah saka ginawa naman ito para sa amin. Dinalhan kami ng isang bandehadong may datiles. Pagkatapos dumating ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Hinainan ba kayo ng anuman o may ipinahanda ba para sa inyo na anuman?" Nagsabi kami: "Opo, O Sugo ni Allāh." Habang kami naman kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mga nakaupo, biglang humangos ang pastol ng mga tupa niya papunta sa pahingahan habang may kasama itong isang korderong umuungol. Kaya nagsabi siya: "Ano ang ipinanganak niyan, O Polano?" Nagsabi ito: "Babaing tupa." Nagsabi siya: "Kaya magkatay ka para sa amin kapalit niyan ng isang tupa." Pagkatapos nagsabi pa siya: "Huwag ka nga magpalagay, huwag ka ngang magpalagay na kami alang-alang sa iyo ay magkakatay nito. Mayroon kaming isang daang tupa na hindi kami nagnanais na madagdagan. Kaya kapag nagpaanak ang pastol ng isang babaing tupa, nagkakatay kami kapalit nito ng isang tupa." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon akong maybahay at tunay na sa dila niya ay may isang bagay." Tumutukoy ito sa kabastusan. Nagsabi siya: "Kaya diborsiyuhin mo siya, samakatuwid." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon siyang pinagsamahan [sa akin] at may anak ako sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya pag-utusan mo siya," nais niyang sabihing pangaralan mo siya, "sapagkat kung sa kanya ay may kabutihan, gagawin niya. Huwag kang mamalo sa kabiyak mo gaya ng pagpalo mo sa munting babaing alipin mo." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, magpabatid ka sa akin tungkol sa wuḍū'. Nagsabi siya: "Maglubus-lubos ka sa pagsasagawa ng wuḍū'. Magsingit ka sa pagitan ng [isa't isa sa] mga daliri. Magpalabis ka sa pagsinghot ng tubig maliban na ikaw ay nag-aayuno."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, at Imām Ibnu Mājah
Ayon kay Abū Mālik Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng:] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng:] subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. Ang pagdarasal ay liwanag. Ang kawanggawa ay patotoo. Ang pagtitiis ay tanglaw. Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo o laban sa iyo. Ang bawat isa sa mga tao ay maagang lumilisan saka nagtitinda ng sarili niya kaya nagpapalaya nito o nagpapahamak nito."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim