Hadith for the World
Ang mga Kainaman

Ang mga Kainaman ng mga Gawang Maayos

16 hadiths

16 hadiths

Ayon kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pagbabantay ng hangganan ng isang araw sa landas ni Allāh ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito. Ang puwestong singnipis ng isang latigo ng isa sa inyo mula sa Paraiso ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito. Ang rawḥah na lalakbayin ng tao sa landas ni Allāh o ang ghadwah ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu-: ((Sinabi ni Allah-Pagkataas-taas Niya: Walang makukuhang gantimpala mula sa Akin ang alipin kong mananampalataya,kapag binawian ko ng buhay ang minamahal niya sa mundo,pagkatapos ay nagtiis at hinangad niya gantimpala nito,maliban sa Paraiso))Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Thawbān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamainam na salaping ginugugol ng lalaki ay salaping ginugugol niya sa mag-anak niya, salaping ginugugol ng lalaki sa sasakyang hayop niya sa landas ni Allāh, at salaping ginugugol niya sa mga kasamahan niya sa landas ni Allāh." Nagsabi si Abū Qilābah: "Nagsimula siya sa mag-anak." Pagkatapos nagsabi pa si Abū Qilābah: "Aling lalaki ang higit na mabigat sa pabuya kaysa sa isang lalaking gumugugol sa mag-anak na mga bata, na pumipigil sa kanila [sa panghihingi], o nagpapakinabang sa kanila si Allāh sa pamamagitan nito at nagpapayaman Siya sa kanila."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan at huwag kayong gumawa sa libingan ko bilang pistahan. Dumalangin kayo ng basbas sa akin sapagkat tunay na ang pagdalangin ninyo ng basbas ay umaabot sa akin saan man kayo naroon."}Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagtaguyod ng dalawang batang babae hanggang sa nahustong gulang silang dalawa, darating sa Araw ng Pagbangon ako at siya." Nagdikit siya ng mga daliri niya.}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay ̄ Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi ba ako gagabay sa inyo sa anumang pumapawi si Allāh sa pamamagitan nito sa mga kamalian at nagtataas Siya sa pamamagitan nito ng mga antas?" Nagsabi sila: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang pagpapalubus-lubos sa pagsasagawa ng wuḍū' sa kabila ng mga kalagayang kinasusuklaman, ang dami ng paghakbang patungo sa mga masjid, at ang paghihintay sa ṣalāh matapos ng ṣalāh sapagkat iyon ang pagbabantay [para kay Allāh]."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Ang limang dasal, ang Biyernes hanggang sa Biyernes, at ang Ramaḍān hanggang sa Ramaḍān ay mga tagatakip-sala sa pagitan ng mga ito kapag umiwas sa malalaking kasalanan."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kay rami ng [taong] gulu-gulo ang buhok na itinutulak sa mga pintuan, na kung sakaling susumpa kay Allāh ay talagang tutupad siya nito."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang umibig na paluwagan para sa kanya sa panustos sa kanya at antalaan para sa kanya sa taning niya ay magpanatili siya ng ugnayan sa kaanak niya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Salām (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Noong dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah, napasugod ang mga tao sa dako niya at sinabi: "Dumating ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), dumating ang Sugo ni Allāh, dumating ang Sugo ni Allāh" nang tatlong ulit. Kaya dumating ako sa mga tao upang tumingin. Noong nakaaninag ako sa Mukha niya, nalaman ko na ang mukha niya ay hindi isang mukha ng isang palasinungaling. Ang kauna-unahang bagay na narinig ko na sinalita niya ay na nagsabi siya: "O mga tao, magpalaganap kayo ng kapayapaan, magpakain kayo ng pagkain, makipag-ugnayan kayo sa mga kaanak, at magdasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay tulog; papasok kayo sa Paraiso nang may kapayapaan."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: Walang Muslim na dumadalaw sa isang Muslim na maysakit sa umaga malibang dadalangin ng pagpapala para sa kanya ang pitumpong libong anghel hanggang sa gumabi. Kung dinalaw niya ito sa gabi, dadalangin ng pagpapala para sa kanya ang pitumpong libong anghel hanggang sa mag-umaga. Magkakaroon siya ng isang hardin sa Paraiso."Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kina Anas bin Mālik at Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hinggil sa isinaysay niya ayon sa Panginoon niya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na nagsabi: "Kapag nagpakalapit ang tao sa Akin ng isang dangkal, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang siko. Kapag nagpakalapit siya sa Akin ng isang siko, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang dipa. Kapag pinuntahan niya Ako nang naglalakad, pupuntahan Ko siya nang payagyag."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Samantalang may isang lalaking naglalakad sa isang daan, na nakatagpo ng isang sanga ng mga tinik sa daan saka nagpatabi siya nito kaya nagpasalamat si Allāh sa kanya saka nagpatawad sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Sinabi sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Ano po ang tingin mo sa lalaking gumagawa ng gawang kabilang sa kabutihan at pinupuri siya ng mga tao dahil doon? Nagsabi siya: Iyon ay maagang magandang balita sa Mananampalataya."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عن أبي هريرة قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: «مَن أصبح منكم اليوم صائمًا؟» قال أبو بكر رضي الله عنه: أنا، قال: «فمن تَبِعَ منكم اليوم جنازةً؟» قال أبو بكر رضي الله عنه: أنا، قال: «فمن أطعم منكم اليوم مسكينًا؟» قال أبو بكر رضي الله عنه: أنا، قال: «فمن عاد منكم اليوم مريضًا؟» قال أبو بكر رضي الله عنه: أنا، فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم: «ما اجتمعن في امرئٍ إلا دخل الجنة».رواه مسلم
عَنْ أَبِي ذَرٍّ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «يَقُولُ اللهُ عَزَّ وَجَلَّ: مَنْ جَاءَ بِالْحَسَنَةِ فَلَهُ عَشْرُ أَمْثَالِهَا وَأَزِيدُ، وَمَنْ جَاءَ بِالسَّيِّئَةِ فَجَزَاؤُهُ سَيِّئَةٌ مِثْلُهَا أَوْ أَغْفِرُ، وَمَنْ تَقَرَّبَ مِنِّي شِبْرًا تَقَرَّبْتُ مِنْهُ ذِرَاعًا، وَمَنْ تَقَرَّبَ مِنِّي ذِرَاعًا تَقَرَّبْتُ مِنْهُ بَاعًا، وَمَنْ أَتَانِي يَمْشِي أَتَيْتُهُ هَرْوَلَةً، وَمَنْ لَقِيَنِي بِقُرَابِ الْأَرْضِ خَطِيئَةً لَا يُشْرِكُ بِي شَيْئًا لَقِيتُهُ بِمِثْلِهَا مَغْفِرَةً».رواه مسلم