Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:

Available in 45 languages
«Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kay rami ng [taong] gulu-gulo ang buhok na itinutulak sa mga pintuan, na kung sakaling susumpa kay Allāh ay talagang tutupad siya nito."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mayroon sa mga tao na nagkabuhul-buhol ang buhok na inalikabukan, na hindi naglalangis nito at hindi nagpapadalas ng paghuhugas nito, na walang halaga ukol sa kanya sa ganang mga tao kaya sila ay nagtutulak sa kanya palayo sa mga pintuan nila at nagtataboy sa kanya palayo dala ng pagmamata sa kanya gayon pa man kung sakaling sumumpa siya sa pagkapangyari ng isang bagay ay magpapangyari nito si Allāh bilang pagpaparangal sa kanya sa pamamagitan ng pagtugon sa hiling niya at pangangalaga sa kanya laban sa pagtatalusira sa panunumpa niya. Iyon ay dahil sa kalamangan niya at katayuan niya sa ganang kay Allāh.

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Download image

Saved at original quality