Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:

Available in 60 languages
«Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang tumatahak sa daan ng Makkah saka naparaan siya sa isang bundok na tinatawag na Jumdān. Kaya nagsabi siya: "Tumahak kayo. Ito ay Jumdān. Nanguna ang mga tagapagbukod-tangi." Nagsabi sila: "Ano po ang mga tagapagbukod-tangi, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang mga lalaking tagapag-alaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing tagapag-alaala."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng katayuan ng mga tagapag-alaala kay Allāh nang madalas, na sila ay namukod-tangi nga at nanguna sa iba sa kanila sa pagtamo ng mga antas na pinakamatataas sa mga hardin ng Kaginhawahan. Nagwangis siya sa kanila sa bundok ng Jumdān na namukod-tangi sa iba pa rito na mga bundok.

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Download image

Saved at original quality