Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:

Available in 39 languages
«Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan ay nasa piling ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Nawawalang-kakayahan ba ang isa sa inyo na kumita sa bawat araw ng isang libong magandang gawa?" Kaya may nagtanong sa kanya na isang tagatanong kabilang sa mga kaupuan niya: "Papaano po kikita ang isa sa amin ng isang libong magandang gawa?" Nagsabi siya: "Magluluwalhati siya ng isang daang pagluwalhati saka may maitatala para sa kanya na isang libong magandang gawa o may maibabawas sa kanya na isang libong kamalian."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya: "Hindi ba nakakakaya ang isa sa inyo na magkamit sa bawat araw ng isang libong magandang gawa?" Kaya nagsabi ang isa sa mga kaupuan niya: "Papaano po magtatamo ang tao ng isang libong magandang gawa sa isang araw nang may kadalian?" Nagsabi siya: "Sumambit siya ng: subḥāna -llāh (Kaluwalhatian kay Allāh) nang isang daang ulit saka may maitatala para sa kanya na isang libong magandang gawa dahil ang iisang magandang gawa ay katumbas sa sampung tulad nito o may mapapawi sa kanya na isang libong masagwang gawa mula sa mga masagwang gawa niya."

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Download image

Saved at original quality