TL
Ang Fiqh ng mga Du`ā' at mga Dhikr
Ang mga Pakinabang ng Pag-alaala kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan
8 hadiths
Ang Patnubay ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan – sa Dhikr
5
Ang mga Pakinabang ng Pag-alaala kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan
8
Ang mga Dhikr sa Umaga at Gabi
4
Ang mga Dhikr na Walang Takda
5
Ang mga Dhikr ng Pagpasok at Paglabas ng Tahanan
2
أذكار الدخول والخروج من الخلاء
1
Ang mga Dhikr ng Pagpasok at Paglabas ng Masjid
2
Ang mga Dhikr na Sinasabi sa mga Oras ng Kasawiangpalad
1
Ang mga Dhikr Para sa mga Pangyayaring Hindi Inaasahan
12
Ang mga Patakaran ng Du`ā'
1
Ang mga Kaasalan ng Du`ā'
2
Ang mga Kadahilanan ng Pagsagot [ni Allāh] sa Du`ā' at mga Nakahahadlang Dito
4
Ang mga Du`ā' na Ipinahatid
18
8 hadiths
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag pumasok ang lalaki sa bahay nito saka bumanggit siya kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya at sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Walang pagmamagdamagan para sa inyo at walang hapunan para sa inyo.' Kapag naman pumasok siya saka hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Nakamit ninyo ang pagmamagdamagan.' Kapag hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ito: 'Nakamit ninyo ang pagmamagdamagan at ang hapunan.'"}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): Ako ay nasa ganang palagay ng lingkod Ko at Ako ay kasama niya nang umaalaala siya sa Akin. Kaya kung umalaala siya sa Akin sa sarili niya, aalaala Ako sa kanya sa sarili Ko; at kung umalaala siya sa Akin sa isang konseho, aalaala Ako sa kanya sa isang konseho na higit na mabuti kaysa roon. Kung lumapit siya sa Akin nang isang dangkal, magpapakalapit Ako sa kanya nang isang bisig; at kung lumapit siya sa Akin nang isang bisig, lalapit Ako sa kanya nang isang dipa. Kung pumunta siya sa Akin nang naglalakad, pupunta Ako sa kanya nang payagyag."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan ay nasa piling ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Nawawalang-kakayahan ba ang isa sa inyo na kumita sa bawat araw ng isang libong magandang gawa?" Kaya may nagtanong sa kanya na isang tagatanong kabilang sa mga kaupuan niya: "Papaano po kikita ang isa sa amin ng isang libong magandang gawa?" Nagsabi siya: "Magluluwalhati siya ng isang daang pagluwalhati saka may maitatala para sa kanya na isang libong magandang gawa o may maibabawas sa kanya na isang libong kamalian."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang paghahalintulad sa umaalaala sa Panginoon niya at hindi umaalaala sa Panginoon niya ay tulad ng buhay at patay."} Sa pananalita ni Imām Muslim: {"Ang paghahalintulad sa bahay na inaalaala si Allāh doon at bahay na hindi inaalaala si Allāh doon ay tulad ng buhay at patay."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Ka`b bin `Ujrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May mga binabalik-balikang hindi nabibigo ang tagapagsabi ng mga ito – o ang tagagawa ng mga ito – sa katapusan ng bawat ṣalāh na iniatas: Tatlumpu't tatlong pagluluwalhati, tatlumpu't tatlong pagpapapuri, at tatlumpu't apat na pagdadakila."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Zayd, taga-pagtanggol ng Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi: Nagsabi ang Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Sinuman ang magsabi ng :Ako ay humuhingi ng Kapatawaran sa Allah,Na Wala ng ibang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya,Ang may Walang-hanggang buhay,Ang may Walang hanggang Kapangyarihan,At nagbabalik-loob ako sa Kanya)) Patatawarin ang mga kasalanan niya,;Kahit pa siya ay tumalikod [ sa oras ng pakikibaka sa landas ni Allah] sa Hukbong sandatahan [ng kalaban].))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud
Ayon kay Abū Mālik Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng:] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng:] subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. Ang pagdarasal ay liwanag. Ang kawanggawa ay patotoo. Ang pagtitiis ay tanglaw. Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo o laban sa iyo. Ang bawat isa sa mga tao ay maagang lumilisan saka nagtitinda ng sarili niya kaya nagpapalaya nito o nagpapahamak nito."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May pitong maglililim sa kanila si Allāh (napakataas Siya) sa lilim Niya sa araw na walang lilim kundi ang lilim Niya: isang pinunong makatarungan; isang binatang lumaki sa pagsamba kay Allāh; isang lalaking ang puso niya ay pinahumaling sa mga masjid; dalawang taong nag-iibigan alang-alang kay Allāh, na nagtitipon para sa Kanya at naghihiwalay para sa Kanya; isang lalaking inanyayahan ng isang babaing may katungkulan at karikitan ngunit nagsabi siya: Tunay na ako ay nangangamba kay Allāh; isang taong nagkawanggawa ng isang kawanggawa saka nagkubli niyon hanggang sa hindi makaalam ang kaliwa niya sa ginugugol ng kanan niya; at isang taong nakaalaala kay Allāh nang nag-iisa saka nag-umapaw ang mga mata niya [sa luha]."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito