12 hadiths
Ayon kay Abe Musa Al-Ash-Arie malugod si Allah sa kanya,siya ay nagsabi:Nag-eklips ang araw noong panahon ng sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya`t napatayo siya na nasisindak,natakot siya na dumating na ang huling sandali,hanggang sa dumating siya sa masjid at tumayo siya,nagdasal ng may pinakamahabang pagtayo at pagpapatirapa,na hindi ko nakita sa dasal niya kailanman,pagkatapos ay nagsabi siya:Tunay na ang mga tanda na ito na ipinadadala ni Allah-kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan,ay hindi dahil sa kamatayan ng isang tao o dahil sa pagkabuhay niya,bagkus ipinadadala ni Allah ang mga ito upang gisingin ang takot sa pamamagitan nito ng mga lingkod niya,kaya`t kapag nakakita kayo mula rito ng anuman,magmadali kayo sa pag-alala kay Allah,pagdalangin sa kanya at paghingi ng tawad sa kanya.Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Kami noon, kapag umakyat kami, ay nagdadakila, at kapag bumaba kami, ay nagluluwalhati." Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at ang mga hukbo niya noon, kapag pumaitaas sa mga daan [sa bundok], ay nagdadakila, at kapag bumaba, ay nagluluwalhati."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag umihip noon ang hangin, ay nagsasabi: Allāhumma innī as’aluka khayrahā, wa khayra mā fīhā, wa khayra mā ursilat bihi, wa a`ūdhu bika min sharrihā, wa sharri mā fīhā, wa sharri mā ursilat bih (O Allah, tunay na ako ay humihingi sa Iyo ng kabutihan nito, ng kabutihan ng nasa loob nito, at ng kabutihan ng bagay na ipinadala kalakip nito; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan nito, sa kasamaan ng nasa loob nito, at sa kasamaan ng bagay na ipinadala kalakip nito)."Nagsalaysay nito si Imām Muslim