Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ayon kay Khawlah bint Ḥakīm As-Sulamīyah na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:

Available in 66 languages
«Ayon kay Khawlah bint Ḥakīm As-Sulamīyah na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang tumuloy sa isang tuluyan pagkatapos nagsabi ng: A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khalaq (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya), hindi siya pipinsalain ng anuman hanggang sa lumisan siya sa tuluyan niyang iyon."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Gumagabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya tungo sa pangungunyapit at pagdulog na nagpapakinabang na naitutulak sa pamamagitan nito ang bawat pinangingilagang pinangangambahan ng tao kapag nanuluyan siya sa isang lugar sa lupa, maging ito man ay sa isang paglalakbay o isang pamamasyal o iba pa rito. Ito ay sa pamamagitan ng pangungunyapit at pagdulog sa mga lubos na salita ni Allāh sa kainaman ng mga ito, pagpapala ng mga ito, pagpapakinabang ng mga ito, na malaya sa bawat kapintasan at kakulangan, laban sa kasamaan ng bawat nilikha na may kasamaan, para matiwasay sa tuluyan niyang iyon, hanggat nananatili roon, laban sa bawat anumang nakapeperhuwisyo.

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Download image

Saved at original quality