Hadith for the World
Ang Fiqh ng mga Du`ā' at mga Dhikr

Ang Patnubay ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan – sa Dhikr

5 hadiths

5 hadiths

Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag pumasok ang lalaki sa bahay nito saka bumanggit siya kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya at sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Walang pagmamagdamagan para sa inyo at walang hapunan para sa inyo.' Kapag naman pumasok siya saka hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Nakamit ninyo ang pagmamagdamagan.' Kapag hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ito: 'Nakamit ninyo ang pagmamagdamagan at ang hapunan.'"}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon: "Allāhumma, laka aslamtu, wa-bika āmantu, wa-`alayka tawakkaltu, wa-ilayka anabtu, wa-bika khāṣamtu. Allāhumma, innī a`ūdhu bi-`izzatika, lā ilāha illā anta, an tuḍillanī. Anta -lḥayyu -lladhī lā yamūtu wa-ljinnu wa-l'insu yamūtūn." (O Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako sumampalataya, sa Iyo ako nanalig, sa Iyo ako nagsisising nagbalik, at dahil sa Iyo ako nakipagtalo. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa kapangyarihan Mo – walang Diyos kundi Ikaw – na magpaligaw Ka sa akin. Ikaw ang Buhay na hindi namamatay samantalang ang jinn at ang tao ay namamatay.)"}Napagkasunduan sa katumpakan nito. Ito ay pagkakasambit ni Imām Muslim. Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa pinaiksing paraan
عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «وَاللهِ إني لأَسْتَغْفِرُ اللهَ وأَتُوبُ إليهِ في اليومِ أَكْثَرَ من سَبْعِينَ مَرَّةً».رواه البخاري
Ayon kay Agharr (malugod si Allāh sa kanya), na kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O mga tao, magbalik-loob kayo kay Allāh sapagkat tunay na ako ay nagbabalik-loob sa Kanya nang isandaang ulit sa isang araw."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagkapatirapa niya: "Allāhumma -ghfir lī dhambī kullahu: diqqahu wa-jillahu, wa-awwalahu wa-ākhirahu, wa-`alāniyatahu wa-sirrahu. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko sa lahat ng ito: kaliit-liitan nito at kalaki-lakihan nito, una nito at huli nito, at hayagan nito at lihim nito.)"}Nagsalaysay nito si Imām Muslim