18 hadiths
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon: "Allāhumma, laka aslamtu, wa-bika āmantu, wa-`alayka tawakkaltu, wa-ilayka anabtu, wa-bika khāṣamtu. Allāhumma, innī a`ūdhu bi-`izzatika, lā ilāha illā anta, an tuḍillanī. Anta -lḥayyu -lladhī lā yamūtu wa-ljinnu wa-l'insu yamūtūn." (O Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako sumampalataya, sa Iyo ako nanalig, sa Iyo ako nagsisising nagbalik, at dahil sa Iyo ako nakipagtalo. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa kapangyarihan Mo – walang Diyos kundi Ikaw – na magpaligaw Ka sa akin. Ikaw ang Buhay na hindi namamatay samantalang ang jinn at ang tao ay namamatay.)"}Napagkasunduan sa katumpakan nito. Ito ay pagkakasambit ni Imām Muslim. Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa pinaiksing paraan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Allāhumma aṣliḥ lī dīni -lladhī huwa `iṣmatu amrī, wa-aṣliḥ lī dunyāya -llatī fīhā ma`āshī, wa-aṣliḥ lī ākhirati -llatī fīhā ma`ādī, wa-j`ali -lḥayāta ziyādatan lī fī kulli khayr, wa-j`ali -lmawta rāḥatan lī min kulli sharr. (O Allāh, isaayos Mo para sa akin ang buhay panrelihiyon ko, na ito ang pananggalang ng nauukol sa akin; isaayos Mo para sa akin ang buhay pangmundo ko, na narito ang kabuhayan ko; isaayos Mo para sa akin ang buhay na pangkabilang-buhay ko, na naroon ang balikan ko, gawin Mo ang buhay bilang karagdagan para sa akin sa bawat kabutihan, at gawin Mo ang kamatayan bilang kapahingahan para sa akin sa bawat kasamaan.)"}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya noon ay dumadalangin ng panalanging ito: "Rabbi -ghfir lī khaṭī’atī wa-jahlī wa-isrāfī fī amrī kullihi wa-mā anta a`lamu bihi minnī. Allāhumma -ghfir lī khaṭāyāya wa-`amdī wa-jahlī wa-hazlī wa-kullu dhālika `indī. Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu wa-mā akhkhartu, wa-mā asrartu wa-mā a`lantu. Anta -lmuqaddimu wa-anta -lmu’akhkhiru, wa-anta `alā kulli shay’in qadīr. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakamali ko, pagkamangmang ko, pagpapakalabis ko sa nauukol sa akin sa kabuuan nito, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam niyon kaysa sa akin. O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa mga pagkakamali ko, pananadya ko, pagkamangmang ko, at pagbibiro ko. Ang lahat ng iyon ay sa ganang akin. O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa anumang ipinauna ko at anumang ipinahuli ko, at anumang inilihim ko at anumang inihayag ko. Ikaw ay ang Tagapagpauna at Ikaw ay ang Tagapagpahuli. Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan.)"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Hindi nangyaring ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-iiwan ng mga panalanging ito kapag gumagabi at kapag nag-uumaga: "Allāhumma innī as’aluka -l`āfiyata fi -ddunyā wa-l’ākhirah. Allāhumma innī as’aluka -l`afwa wa-l`āfiyata fī dīnī wa-dunyāya wa-ahlī wa-mālī. Allāhumma -stur `awratī (o: `awrātī) wa-āmin raw`ātī. Allāhumma -ḥfaḏnī mim bayni yadayya wa-min khalfī wa-`an yamīnī wa-`an shimālī wa-min fawqī, wa-a`ūdhu bi-`aḏamatika an ughtāla min taḥtī. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kagalingan sa Mundo at Kabilang-buhay. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng paumanhin at kagalingan sa buhay panrelihiyon ko, buhay pangmundo ko, mag-anak ko, at ari-arian ko. O Allāh, pagtakpan Mo ang kahihiyan ko (o: ang mga kahihiyan ko) at patiwasayin Mo ang mga pangingilabot ko. O Allāh, ingatan Mo ako mula sa harapan ko at sa likuran ko, sa dakong kanan ko at sa dakong kaliwa ko, at mula sa itaas ko. Nagpapakupkop ako sa kadakilaan Mo na hindi ako paslangin mula sa ilalim ko.)"}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay Zayd bin Arqam (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Hindi ako magsasabi sa inyo kundi gaya ng anumang ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi. Siya noon ay nagsasabi ng: "Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -l`ajzi, wa-lkasali, wa-ljubni, wa-lbukhli, wa-lharami, wa `adhābi -lqabr. Allāhumma, ātī nafsī taqwāhā, wa-zakkihā anta khayru man zakkāḥā, anta walīyuhā wa-mawlāhā. Allāhumma, innī a`ūdhu bika min `ilmin lā yanfa`, wa-min qalbin lā yakhsha`, wa-min nafsin lā tashba`, wa-min da`watin lā yustajābu lahā. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kawalang-kakayahan, katamaran, karuwagan, karamutan, pag-uulyanin, at pagdurusa sa libingan. O Allāh, magbigay Ka sa sarili ko ng pangingilag magkasala nito at magpabusilak Ka nito: Ikaw ay pinakamabuti sa sinumang nagpabusilak dito; Ikaw ay ang Katangkilik nito at ang Mapagtangkilik dito. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kaalamang hindi nagpapakinabang, laban sa pusong hindi nagtataimtim, laban sa sariling hindi nabubusog, at laban sa panalanging hindi tinutugon.)"}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasabi: "Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -l`ajzi wa -lkasli wa -ljubni, wa -lharami, wa -lbukhl; wa a`ūdhu bika min `adhābi -lqabri; wa a`ūdhu bika min fitnati -lmaḥyā wa -lmamāti. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kawalang-kakayahan, katamaran, karuwagan, pag-uulyanin, at karamutan; nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa libingan at laban sa pagdurusa sa Impiyerno; at nagpapakupkop sa Iyon laban sa tukso ng buhay at kamatayan.)" Sa isang sanaysay: "wa ḍala`i -ddayni wa ghalabati -rrijāl. (bigat ng utang, at panggagapi ng mga tao.)"Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Ibnu 'Abbās-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay nagsabi siya;Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nananalangin:(( O Allah tulungan ako sa mga mabuting gawa,at huwag sa masama,Pagkalooban ako ng Tagumpay sa mabuti at huwag sa masama,At linlangin sila para sa akin at huwag ipagkaloob ang paglinlang sa kanila, laban sa akin,At gabayan ako at padaliin ang pagpapatnubay sa akin,Tulungan ako sa sinumang umaapi sa akin, O Allah,Ibilang mo ako, sa Iyo magpasalamat,at sa Iyo ay mapag-alaala,at sa Iyo ay may takot,at sa Iyo ay sumunod, at sa Iyo ay mapag-kumbaba o magbalik-loob,O Allah,tanggapin Mo ang aking Pagsisi,at dalisayin ang mga kasalanan ko,at Tugunan ang panalangin ko,at panatilihin ang pananalita ko,at Patnubayan ang puso ko,at ituwid ang dila ko,at tanggalin ang masama sa puso ko))Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad