Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:

Available in 48 languages
«Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang mga puso ng mga anak ni Adan, ang lahat ng mga ito, ay nasa pagitan ng dalawang daliri ng [Panginoong] Napakamaawain gaya ng iisang puso, na nagbabaling-baling Siya nito saan man Niya loloobin." Pagkatapos nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Allāhumma muṣarrifa -lqulūbi ṣarrif qulūbanā `alā ṭā`atik. (O Allāh, ang Tagapagpatnugot ng mga puso, magpatnugot sa ng mga puso namin sa pagtalima sa Iyo)."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga puso ng mga anak ni Adan, ang lahat ng mga ito, ay nasa pagitan ng dalawang daliri ng [Panginoong] Napakamaawain gaya ng iisang puso, na nagpapatnugot Siya nito saan man Niya loloobin. Kung loloobin Niya, magpapanatili Siya rito sa totoo; at kung loloobin Niya, magpapaliko Siya rito palayo sa totoo. Ang pagpapakapatnugot Niya sa lahat ng mga puso ay gaya ng pagpapakapatnugot sa iisa, na walang umaabala sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) na isang bagay sa halip ng isang bagay. Pagkatapos dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, ang Tagapagpatnugot ng mga puso minsan sa pagtalima at minsan sa pagsuway, at minsan sa pagkaalaala at minsan sa pagkalingat, magpatnugot Ka ng mga puso namin sa pagtalima sa Iyo."

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Download image

Saved at original quality