Hadith for the World
Ang Fiqh ng mga Du`ā' at mga Dhikr

Ang mga Dhikr sa Umaga at Gabi

4 hadiths

4 hadiths

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya.-sinabi niya:Ang Propeta ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay ginabi.sinasabi niyang:(( Aming natapos ang araw at kasama nito,ang lahat ng pamamahala at Kapurihan ay sa Allah,Walang [diyos na] may karapatan upang sambahin maliban sa Allah ng nag-iisa.Walang Katambal.))Nagsabi ang tagasalaysay: Nakikita kong sinabi niya rito : ((Sa Kanya ang pagmamay-ari ng Pamamahala at Kapurihan,Siya ang may kakayahan sa lahat ng bagay,O Panginoon,! Hinihiling ko sa Iyo ang mga kabutihan ng araw na ito at ang mga kabutihang susundan nito,at ako ay nagpapakupkop mula sa kasamaang nilalaman ng araw na ito,at mga kasamaang susundan nito,O Panginoon! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa katamaran at pagka-uliyanin,O Panginoon! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga kaparusahan ng Apoy sa Impiyerno,at mga kaparusahan ng libingan)) Kapag siya ay sinapit ng umaga, Sinasabi niya rin ito ((Narating namin ang panibagong araw,at ang lahat ng ito ay napapaloob sa Kapamahalaan ni Allah))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Shaddād bin Aws (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pangunahin sa paghingi ng tawad ay na magsabi ka ng: Allāhumma anta rabbī. Lā ilāha illā anta. Khalaqtanī wa-anā `abduka, wa-anā `alā `ahdika wa-wa`dika ma -staṭa`tu. A`ūdhu bika min sharri mā ṣana`tu. Abū'u laka bi-ni`matika `alayya wa-abū'u bi-dhambī, fa-ghfir lī fa-innahū lā yaghfiru -l dhdhunūba illā anta. (O Allāh, Ikaw ay Panginoon ko. Walang Diyos kundi Ikaw. Nilikha Mo ako at ako ay alipin Mo. Ako ay nasa ilalim ng kasunduan sa Iyo at pangako sa Iyo hanggang sa abot ng makakaya ko. Nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa kasamaan ng nagawa ko. Kumikilala ako sa Iyo sa biyaya Mo sa akin at kumikilala ako sa Iyo sa pagkakasala ko kaya magpatawad Ka para sa akin sapagkat tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw.) Ang sinumang nagsabi nito sa maghapon habang nakatitiyak dito saka namatay sa araw nito bago gumabi, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso. Ang sinumang nagsabi nito sa gabi habang nakatitiyak dito saka namatay sa araw nito bago mag-umaga, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Abdullāh bin Khubayb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Lumabas kami sa isang gabing maulan at isang kadilimang matindi, habang naghahanap kami sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na mamumuno sa amin sa ṣalāh. Nagsabi ito: Nakaabot ako sa kanya saka nagsabi siya: "Magsabi ka," ngunit hindi ako nagsabi ng anuman. Pagkatapos nagsabi siya: "Magsabi ka," ngunit hindi ako nagsabi ng anuman. Nagsabi siya: "Magsabi ka," kaya nagsabi ako: "Ano po ang sasabihin ko?" Nagsabi siya: "Ang Qul huwa -llāhu aḥad... (Qur'ān112) at ang dalawang ipinampapakupkop (Qur'ān 113 at Qur'ān 114) kapag gumagabi at kapag nag-uumaga nang tatlong ulit. Sasapat ang mga ito sa iyo laban sa bawat bagay."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy
Ayon kay Abū Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang bumigkas sa dalawang talata mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Baqarah sa isang gabi ay makakasapat ang dalawang ito sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito