Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya):

Available in 48 languages
«Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagkapatirapa niya: "Allāhumma -ghfir lī dhambī kullahu: diqqahu wa-jillahu, wa-awwalahu wa-ākhirahu, wa-`alāniyatahu wa-sirrahu. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko sa lahat ng ito: kaliit-liitan nito at kalaki-lakihan nito, una nito at huli nito, at hayagan nito at lihim nito.)"}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dumadalangin sa pagkakapatirapa niya saka nagsasabi: "Allāhumma -ghfir lī dhambī (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko)" sa pamamagitan ng pagtatakip nito at magsanggalang Ka sa akin sa kahihinatnan nito kaya magpaumanhin Ka, magpalampas Ka, at magpasensiya Ka. "kullahu: (sa lahat ng ito:) Tumutukoy ako sa "diqqahu (kaliit-liitan nito)" maliit nito at kaunti nito. "jillahu (kalaki-lakihan nito) malaki nito at marami nito. "awwalahu (una nito)" unang pagkakasala. "ākhirahu (huli nito)" at anumang nasa pagitan ng dalawang ito. "`alāniyatahu wa-sirrahu. (hayagan nito at lihim nito.)" kabilang sa walang nakaaalam dito kundi Ikaw (kaluwalhatian sa Iyo).

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Download image

Saved at original quality