TL
Ang mga Kainaman
Ang mga Kainaman ng Marangal na Qur'ān
5 hadiths
Ang Kalamangan ng Kaalaman
8
Ang mga Kainaman ng Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh)
4
Ang mga Kainaman ng Marangal na Qur'ān
5
Ang mga Kainaman ng Pagpapakabuti sa mga Magulang
3
Ang mga Kainaman ng Pakikipag-ugnayan sa mga Kaanak
1
Ang mga Kainaman ng Sambahayan ng Propeta – malugod si Allāh sa kanila
4
Ang mga Kainaman ng mga Gawang Maayos
16
Ang mga Kainaman ng Dhikr
10
Ang mga Kainaman ng Du`ā'
5
Ang mga Kainaman ng mga Gawain ng mga Puso
4
Ang mga Kainaman ng mga Gawain ng mga Kamay at mga Paa
6
5 hadiths
Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: Bigkasin ninyo ang Qur'an sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagkabuhay bilang tagapamagitan sa mga tagatangkilik nito."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)': "Ang sinumang bumigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allāh ay magkakaroon siya dahil dito ng isang gawang maganda. Ang gawang maganda ay [may gantimpalang] katumbas sa sampung tulad nito. Hindi ko sinasabing ang alif lām mīm ay isang titik, bagkus ang alif ay isang titik, ang lām ay isang titik at ang mīm ay isang titik."}
Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang mahusay sa Qur'ān ay kasama ng mga tagapagtalang mararangal na mabubuting-loob. Ang nagbabasa ng Qur'ān at nauutal-utal dito habang siya rito ay nahihirapan ay magkakamit ng dalawang pabuya.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Umāmah Al-Bāhilīy na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Bigkasin ninyo ang Qur'ān sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagbangon bilang mapagpamagitan sa mga tagatangkilik nito. Bigkasin ninyo ang dalawang makinang: ang Kabanatang Al-Baqarah at ang Kabanatang Āl `Imrān sapagkat tunay na ang dalawang ito ay darating sa Araw ng Pagbangon na para bang ang dalawang ito ay dalawang ulap o para bang ang dalawang ito ay dalawang lilim o para bang ang dalawang ito ay dalawang kawan ng mga ibon na mga nakahanay na makikipangatwiran para sa mga tagatangkilik ng dalawang ito. Bigkasin ninyo ang Kabanatang Al-Baqarah sapagkat tunay na ang paghawak dito ay biyaya at ang pag-iwan dito ay isang panghihinayang. Hindi nakakakaya rito ang mga manggagaway."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Sasabihin sa tagatangkilik ng Qur'ān: "Bumasa ka, umakyat ka, at bumigkas ka kung paanong ikaw noon ay bumibigkas sa Mundo sapagkat tunay na ang antas mo ay nasa kahuli-hulihang talata na babasahin mo."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, at Imām Aḥmad