Ang Marangal na Qur'ān at ang mga Agham Nito
Ayon kay Abū Umāmah Al-Bāhilīy na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
Available in 38 languages
«Ayon kay Abū Umāmah Al-Bāhilīy na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Bigkasin ninyo ang Qur'ān sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagbangon bilang mapagpamagitan sa mga tagatangkilik nito. Bigkasin ninyo ang dalawang makinang: ang Kabanatang Al-Baqarah at ang Kabanatang Āl `Imrān sapagkat tunay na ang dalawang ito ay darating sa Araw ng Pagbangon na para bang ang dalawang ito ay dalawang ulap o para bang ang dalawang ito ay dalawang lilim o para bang ang dalawang ito ay dalawang kawan ng mga ibon na mga nakahanay na makikipangatwiran para sa mga tagatangkilik ng dalawang ito. Bigkasin ninyo ang Kabanatang Al-Baqarah sapagkat tunay na ang paghawak dito ay biyaya at ang pag-iwan dito ay isang panghihinayang. Hindi nakakakaya rito ang mga manggagaway."»Meaning translation ·
Saved at original quality








