Hadith for the World
Ang mga Kainaman ng Qur'ān

Ang mga Kainaman ng mga Kabanata at mga Talata ng Qur'ān

9 hadiths

9 hadiths

Ayon kay Al-Bara` bin Azib-malugod si Allah sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi:((Mayroong isang lalaki na nagbabasa ng Kabanata ng Kahf,at mayroon siyang kabayo na nakatali sa dalawang lubid,at natakpan ito ng ulap,at itoy lumalapit,at tumakbo ang kabayo,papalayo rito,At nang kina-umagahan,dumating ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at binanggit niya ito sa kanya,Nagsabi siya:(( Ang yaong katahimikan,ay bumaba dahil sa Qur-an))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan; tunay na ang demonyo ay lumalayo sa bahay na binibigkas doon ang Kabanatang Al-Baqarah."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsaulo ng sampung talata mula sa simula ng Kabanatang Al-Kahf, isasanggalang siya laban sa Bulaang Kristo."} Sa isang salaysay: "mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Kahf."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang bumigkas sa dalawang talata mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Baqarah sa isang gabi ay makakasapat ang dalawang ito sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Sa`īd Rāfi` bin Al-Mu`allā, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: 'Hindi ko ba ituturo sa iyo ang pinakadakilang kabanata sa Qur'ān bago ka lumabas ng masjid?' Kinuha niya ang kamay ko at noong ninais naming lumabas, nagsabi ako: 'O Sugo ni Allah, tunay na ikaw ay nagsabi: Talagang magtuturo nga ako sa iyo ng pinadkakilang kabanata sa Qur'ān.' Nagsabi siya: 'Ang Al-ḥamdu lillāhi rabbi -l`ālamīn (Ang papuri ay ukol kay Allah). ito ay ang pitong inuulit-ulit at ang Dakilang Qur'ān na ibinigay sa akin.'"Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir, malugod si Allah sa kanya: Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Hindi mo ba napag-alaman ang mga talata [ng Qur'an] na ibinaba kagabi na hindi napag-alaman ang tulad ng mga ito kailanman? Ang Qul a`ūdhu birabbi -lfalaq at ang Qul a`ūdhu birabbi -nnās."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Umāmah Al-Bāhilīy na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Bigkasin ninyo ang Qur'ān sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagbangon bilang mapagpamagitan sa mga tagatangkilik nito. Bigkasin ninyo ang dalawang makinang: ang Kabanatang Al-Baqarah at ang Kabanatang Āl `Imrān sapagkat tunay na ang dalawang ito ay darating sa Araw ng Pagbangon na para bang ang dalawang ito ay dalawang ulap o para bang ang dalawang ito ay dalawang lilim o para bang ang dalawang ito ay dalawang kawan ng mga ibon na mga nakahanay na makikipangatwiran para sa mga tagatangkilik ng dalawang ito. Bigkasin ninyo ang Kabanatang Al-Baqarah sapagkat tunay na ang paghawak dito ay biyaya at ang pag-iwan dito ay isang panghihinayang. Hindi nakakakaya rito ang mga manggagaway."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ubayy bin Ka`b (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Ama ni Al-Mundhir, nakaaalam ka ba kung aling talata mula sa Aklat ni Allāh na nasa iyo ang higit na dakila?" Nagsabi ito: "Nagsabi ako: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "O Ama ni Al-Mundhir, nakaaalam ka ba kung aling talata mula sa Aklat ni Allāh na nasa iyo ang higit na dakila?" Nagsabi ito: "Nagsabi ako: {Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili...} (Qur'ān 2:255) Kaya tumapik siya sa dibdib ko at nagsabi: "Sumpa man kay Allāh, talagang magpapaigaya sa iyo ang kaalaman, O Ama ni Al-Mundhir."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عن أبي الدرداء عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «أيعجز أحدكم أن يقرأ في ليلة ثلث القرآن؟» قالوا: وكيف يقرأ ثلث القرآن؟ قال: «قل هو الله أحد تعدل ثلث القرآن».رواه مسلم