Hadith for the World
Ang mga Kainaman ng Qur'ān

Ang Kalamangan ng Pagpapahalaga sa Qur'ān

9 hadiths

9 hadiths

Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya-Hadith na marfu: ((Walang nararapat na kaiinggitan maliban sa dalawang bagay: Isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng kayamanan,pinahintulutan Niya ito na gugulin sa karapat-dapat,At isang lalaking pinagkalooban ni Allah ng karunungan,Siya ay humahatol rito at nangangaral.)) At ayon kay Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa;Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay nagsabi :((Walang nararapat na kaiinggitan maliban sa dalawang bagay: Isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng Qur-an,siya ay gumaganap rito sa tuwing gabi at araw,at isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng kayamanan,Siya ay gumugugol rito sa tuwing gabi at araw))napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niya
Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: Bigkasin ninyo ang Qur'an sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagkabuhay bilang tagapamagitan sa mga tagatangkilik nito."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang pinakamabuti sa inyo ay ang sinumang nagpakatuto ng Qur'ān at nagturo nito."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang paghahalintulad sa mananampalataya na bumibigkas ng Qur'ān ay katulad ng sitron: ang amoy nito ay kaaya-aya at ang lasa nito ay kaaya-aya. Ang paghahalintulad sa mananampalataya na hindi bumibigkas ng Qur'ān ay katulad ng datiles: walang amoy rito at ang lasa nito ay matamis. Ang paghahalintulad sa mapagpaimbabaw na bumibigkas ng Qur'ān ay tulad ng balanoy: ang amoy nito ay kaaya-aya at ang lasa nito ay mapait. Ang paghahalintulad sa mapagpaimbabaw na hindi bumibigkas ng Qur'ān ay katulad ng ligaw na pakwan: wala itong amoy at ang lasa nito ay mapait."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)': "Ang sinumang bumigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allāh ay magkakaroon siya dahil dito ng isang gawang maganda. Ang gawang maganda ay [may gantimpalang] katumbas sa sampung tulad nito. Hindi ko sinasabing ang alif lām mīm ay isang titik, bagkus ang alif ay isang titik, ang lām ay isang titik at ang mīm ay isang titik."}Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang mahusay sa Qur'ān ay kasama ng mga tagapagtalang mararangal na mabubuting-loob. Ang nagbabasa ng Qur'ān at nauutal-utal dito habang siya rito ay nahihirapan ay magkakamit ng dalawang pabuya.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na si Allah ay nag-aangat ng mga tao sa pamamagitan ng Aklat na ito at nagbababa ng mga iba sa pamamagitan nito."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عن عبد الله بن مسعود رضي الله عنه قال: قال النبي صلى الله عليه وسلم : «بِئْسَ ما لأحَدِهم أنْ يقول نَسِيتُ آيةَ كَيْتَ وكَيْتَ، بل نُسِّيَ، واستذكِروا القرآن، فإنه أشدُّ تَفَصِّيًا مِن صدور الرِّجال من النَّعَم».متفق عليه
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Sasabihin sa tagatangkilik ng Qur'ān: "Bumasa ka, umakyat ka, at bumigkas ka kung paanong ikaw noon ay bumibigkas sa Mundo sapagkat tunay na ang antas mo ay nasa kahuli-hulihang talata na babasahin mo."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, at Imām Aḥmad