Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Marangal na Qur'ān at ang mga Agham Nito

Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

Available in 42 languages
«Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang mahusay sa Qur'ān ay kasama ng mga tagapagtalang mararangal na mabubuting-loob. Ang nagbabasa ng Qur'ān at nauutal-utal dito habang siya rito ay nahihirapan ay magkakamit ng dalawang pabuya.}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagpabatid ang Propeta na ang nagbabasa ng Qur'ān habang siya ay magaling sa pagkakasaulo, nagpakadalubhasa rito, mahusay, at sanay sa pagbasa nito, ukol sa kanya mula sa gantimpala sa Kabilang-buhay, na ang katayuan niya ay maging kasama ng mga anghel na tagapagtalang mararangal na mabubuting-loob. Ang nagbabasa ng Qur'ān, nauutal-utal dito, at nag-aatubili sa pagbigkas niya dahil sa kahinaan ng pagkakasaulo niya – habang siya sa kabila niyon ay nagmamalasakit dito samantalang ito sa kanya ay matindi at mahirap – ukol sa kanya ay dalawang pabuya: isang pabuya dahil sa pagbigkas at isang pabuya para sa hirap at pag-aatubili niya sa pagbigkas niya.

Source
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Download image

Saved at original quality