Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Marangal na Qur'ān at ang mga Agham Nito

Ayon kay Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:

Available in 49 languages
«Ayon kay Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsaulo ng sampung talata mula sa simula ng Kabanatang Al-Kahf, isasanggalang siya laban sa Bulaang Kristo."} Sa isang salaysay: "mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Kahf."»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsaulo ng sampung talata sa puso mula sa simula ng Kabanatang Al-Kahf, isasanggalang siya, sasanggaan siya, at iingatan siya laban sa tukso ng Bulaang Kristo na lilitaw sa wakas ng panahon at mag-aangkin ng pagkadiyos. Ang tukso niya ay magiging pinakamabigat na tukso sa lupa magmula ng nilikha si Adan hanggang sa pagsapit ng Huling Sandali dahil nagbigay-kapangyarihan sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa paggawa ng ilan sa mga milagro na ipantutukso niya sa sinumang susunod sa kanya. Iyon ay dahil ang unang bahagi ng Kabanatang Al-Kahf ay may mga kababalaghan at mga tanda na higit na dakila malaki kaysa sa ipantutukso ng Bulaang Kristo sa mga tao sapagkat ang sinumang nagnilay-nilay ng mga ito ay hindi matutukso dahil sa Bulaang Kristo. Sa isang salaysay: "sampung talata mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Kahf." Mula sa sabi ni Allāh (Qur'ān 18:102): {Kaya nag-akala ba ang mga tumangging sumampalataya na makagawa sila ...}

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Download image

Saved at original quality