Ang Marangal na Qur'ān at ang mga Agham Nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
Available in 70 languages
«Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito. Kaya kapag sumikat ito saka nakakita nito ang mga tao, sasampalataya silang lahat ngunit iyon ay kapag: {hindi magpapakinabang sa isang kaluluwa ang pananampalataya nito [kung] hindi ito dating sumampalataya bago pa niyan o nagkamit ito sa pananampalataya nito ng isang kabutihan.} (Qur'ān 6:158) Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang nakapaglatag na ang dalawang lalaki ng kasuutan nila sa pagitan nilang dalawa ngunit hindi sila makapagbibilihan nito at hindi sila makapagtutupi nito. Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang nakalisan na ang lalaki nang may gatas ng kamelyo niya ngunit hindi siya makatitikim nito. Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang siya ay nagkukumpuni ng tubigan niya ngunit hindi siya makapagpapainom dito. Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang nag-angat na ang isa sa inyo ng pagkain niya tungo sa bibig niya ngunit hindi siya makatitikim nito."}»Meaning translation ·
Saved at original quality








