Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Marangal na Qur'ān at ang mga Agham Nito

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:

Available in 43 languages
«Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang paghahalintulad lamang sa kasamahan ng Qur'ān ay katulad ng kasamahan ng mga kamelyong nakabigkis. Kung nagmalasakit siya sa mga ito, pipigil siya sa mga ito. Kung nagpawala siya sa mga ito, aalis ang mga ito."»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagwangis ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sinumang nag-aral ng Qur'ān at nawili sa pagbigkas nito – maging sa pagtingin sa Muṣḥaf o buhat sa memorya – sa kasamahan ng mga kamelyong nakabigkis sa lubid na ipinanggapos sa tuhod ng kamelyo. Kung nagmalasakit siya sa mga ito, magpapatuloy ang pagkapigil niya sa mga ito. Kung nagpawala siya sa pagkagapos sa mga ito, aalis ang mga ito at pupuslit. Kapag nag-aruga ang kasamahan ng Qur'ān kaya bumasa siya nito, makaaalaala siya nito. Kapag hindi siya nag-aruga rito, makalilimot siya nito. Kaya hanggat hindi natigil ang pagmamalasakit sa pagiging nariyan, ang pagkasaulo ay nariyan.

Source
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Download image

Saved at original quality