Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi:

Available in 71 languages
«Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Ang limang dasal, ang Biyernes hanggang sa Biyernes, at ang Ramaḍān hanggang sa Ramaḍān ay mga tagatakip-sala sa pagitan ng mga ito kapag umiwas sa malalaking kasalanan."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang limang dasal na isinasatungkulin sa araw at gabi, ang dasal sa Biyernes sa bawat linggo, at ang pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān sa bawat taon ay mga tagatakip-sala ng nasa pagitan ng mga ito na maliliit na mga pagkakasala ayon sa kundisyon ng pag-iwas sa malalaking kasalanan. Hinggil sa malalaking kasalanan gaya ng pangangalunya at pag-inom ng alak, hindi natatakpang-sala ang mga ito kundi sa pamamagitan ng pagbabalik-loob (tawbah).

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Download image

Saved at original quality