TL
Ang Ṣalāh
Ang Kalamangan ng Ṣalāh
10 hadiths
Ang Pagkatungkulin ng Ṣalāh ang Hatol sa Nagwawaksi Nito
5
Ang Kalamangan ng Ṣalāh
10
Ang Adhān at ang Iqāmah
6
Ang mga Oras ng Pagbabawal sa Ṣalāh
2
Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh
3
Ang mga Saligan ng Ṣalāh
2
Ang mga Kinakailangan sa Ṣalāh
1
Ang mga Sunnah ng Ṣalāh
1
Ang Paglalarawan sa Ṣalāh
10
Ang mga Dhikr sa Ṣalāh
15
Ang mga Nagpapawalang-saysay sa Ṣalāh
1
Ang mga Kamalian ng mga Nagdarasal
5
Ang Pagpapatirapa sa Pagkalingat [sa Ṣalāh], Pagbigkas, at Pasasalamat
4
Ang Kalamangan ng Ṣalāh sa Jamā`ah at ang mga Patakaran Nito
7
Ang mga Patakaran ng Imām (Pinuno) at Ma`mūm (Pinamumunuan) sa Ṣalāh
4
Ang Ṣalāh ng mga May Kadahilanan
1
Ang Ṣalāh sa Araw ng Biyernes
7
Ang Ṣalāh ng Pagkukusang-loob
40
Ang Ṣalāh sa Sandali ng Eklipse ng Araw at Eklipse ng Buwan
2
Ang Ṣalāh ng Paghiling ng Ulan
1
أحكام المساجد
9
10 hadiths
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang pinakamabigat na ṣalāh sa mga mapagpaimbabaw ay ang ṣalāh sa gabi at ang ṣalāh sa madaling-araw. Kung sakaling nakaaalam sila sa [gantimpala sa] dalawang ito, talaga sanang pumunta sila sa dalawang ito kahit pa man pagapang. Talaga ngang nagbalak ako na mag-utos [na magsagawa] ng ṣalāh saka magsagawa ng iqamāh, pagkatapos mag-utos ako sa isang lalaki saka mamuno ito sa ṣalāh sa mga tao, pagkatapos lumisan ako na may kasama sa akin na mga lalaking may mga bigkis ng panggatong patungo sa mga taong hindi dumadalo sa ṣalāh saka manunog ako sa kanila ng mga bahay nila sa apoy."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Ang limang dasal, ang Biyernes hanggang sa Biyernes, at ang Ramaḍān hanggang sa Ramaḍān ay mga tagatakip-sala sa pagitan ng mga ito kapag umiwas sa malalaking kasalanan."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ma`dān bin Abī Ṭalḥah Al-Ya`marīy na nagsabi: {Nakatagpo ko si Thawbān na alila ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ako: "Magpabatid ka sa akin hinggil sa isang gawaing gagawin ko, na magpapapasok sa akin si Allāh dahil dito sa Paraiso." O nagsabi ako: "... hinggil sa pinakakaibig-ibig sa mga gawain kay Allāh." Nanahimik siya. Pagkatapos tinanong ko siya saka nanahimik siya. Pagkatapos tinanong ko siya sa ikatlong pagkakataon saka nagsabi siya: "Nagtanong ako tungkol doon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: 'Mamalagi ka sa dami ng pagpapatirapa kay Allāh sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagpapatirapa ng isang pagpapatirapa malibang mag-aangat sa iyo si Allāh dahil dito ng isang antas at magbababa Siya buhat sa iyo dahil dito ng isang pagkakamali.'" Nagsabi si Ma`dān: "Pagkatapos nakatagpo ko si Abu Ad-Dardā' saka nagtanong ako sa kanya saka nagsabi naman siya sa akin ng tulad sa sinabi sa akin ni Thawbān."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Sa tingin ba ninyo kung sakaling may isang ilog sa tabi ng pinto ng isa sa inyo, na naliligo siya mula rito sa bawat araw nang limang ulit, magsasabi ka bang iyon ay magtitira pa mula sa karumihan niya?" Nagsabi sila: "Hindi po iyon magtitira mula sa karumihan niya ng anuman." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay tulad ng limang ṣalāh: nagpapawi si Allāh sa pamamagitan ng mga ito ng mga kasalanan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Jundub bin `Abdillāh Al-Qasrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdasal ng dasal sa madaling-araw, siya ay nasa pangangalaga ni Allāh. Kaya huwag ngang magpapanagot sa inyo si Allāh ng anuman dahil sa pangangalaga Niya sapagkat tunay na ang sinumang pinanagot Niya ng anuman dahil sa pangangalaga Niya ay makaabot Siya rito, pagkatapos magsusubsob Siya rito ng mukha nito sa apoy ng Impiyerno."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Zuhayr bin `Umārah bin Ru’aybah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang lulusot sa Impiyerno na isang nagdarasal bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Walang anumang isang taong Muslim na dinaratnan ng isang ṣalāh na iniatas saka nagpapahusay siya ng pagsasagawa ng wuḍū' dito, kataimtiman dito, at pagyukod dito, malibang ito ay nagiging isang panakip-sala sa anumang bago nito na mga pagkakasala, hanggat hindi siya nakagawa ng isang malaking kasalanan. Iyon ay ang panahon sa kabuuan nito."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Mālik Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng:] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng:] subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. Ang pagdarasal ay liwanag. Ang kawanggawa ay patotoo. Ang pagtitiis ay tanglaw. Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo o laban sa iyo. Ang bawat isa sa mga tao ay maagang lumilisan saka nagtitinda ng sarili niya kaya nagpapalaya nito o nagpapahamak nito."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عن ربيعة بن كعب الأسلمي قال: كنتُ أبيتُ مع رسول الله صلى الله عليه وسلم فأتيتُه بوَضوئه وحاجته فقال لي: «سل» فقلت: أسألك مرافقتك في الجنة. قال: «أو غير ذلك؟» قلت: هو ذاك. قال: «فأعني على نفسك بكثرة السجود».
رواه مسلم
عن عائشة عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «ما من ميت تصلي عليه أُمَّةٌ من المسلمين يبلغون مائة، كلهم يشفعون له، إلا شفعوا فيه».
رواه مسلم